A/N: Hello, Dead Text is Back! Sorry po sa late update. Hehehe. Sa mga reader's nito, maraming maraming thank you po sainyo at nagustuhan nyo po ang mga previous chapters ko!
At sana po magustuhan nyo din ang latest update ko. Sa totoo lang po nahihirapan ako mag-isip kung panu kayo matatakot. Nauubusan ako ng idea, puro kasi love story ang naiisip ng utak ko ngaun.
Magpapaka-horror na ulit ako! ittry ko lahat ng best ko para maging katakot takot ang story ni Jaden at Lyka.
Promote ko lang po yung bago kong story na One, Two, Three, Four Trouble. Sana po mabasa nyo sya at kung wala kayong kahilig-hilig sa math na tulad ko. For sure, pagnabasa nyo ang story ni Mikumi_Chiiee na My Love Formula
mag-iiba ang tingin nyo sa Math. Tulad ko, maiinlove kayo sa formula ng love story nila. I hope na magustuhan nyo din ang mga story na ito! Thank you po!
by: elsipi-are
Di ko nagawang matulog pagkauwi ko ng bahay kagabi at magdamag lang ata akong umiyak kaya eto ako ngayon late nang makakapasok sa first class ko.
Bukod sa muka nanaman akong prof ngayon dahil sa salamin ko ay kaylangan ko din kasi itago yung namamaga kong mga mata plus kaylangan ko pang tibayan ang loob ko at kapalan ang mukha ko sa pagpasok sa classroom.
"Hay!" isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako makapasok sa pintuan ng classroom namin.
At kung su-swertihin ka nga naman, wala pa yung prof namin kaya malaya akong nakapasok at nakapunta sa upuan ko.
Nang maibaba ko na yung gamit ko, dahan-dahan kong nilibot ng mata ko yung buong classroom kasi hinahanap ko si Drik dahil bakante nanaman yung upuan sa tabi ko kung saan sya palaging umuupo.
"Hay! Wala na ata talagang balak si Drik na tumabi sakin." isang malalim na buntong hininga nanaman ang pinakawalan ko bago ko marinig ang paggalaw ng upuan sa tabi ko.
Agad akong napalingon at nagulat ako ng makita ko si Drik na andoon at .... Teka, teka! Parang may bago sakanya.
"Nagpakulay ka?" agad nabulaslas ng bibig ko na ikinagulat ko naman.
Nakita ko na napatingin si Drik sakin at laking ngiti ko naman ng bigla syang nagsalita. "Bakit may problema?" yung kaninang ngiti na malaya kong nagagawa ay bigla na lamang naglaho pagkatapos magsalita ni Drik.
Ang lamig ng pagkakasabi nya sakin nun at para bang ang taray pa ng dating para saakin.
Napayuko na lamang ako dahil sa pangbabarang ginawa nya sakin. Feeling ko napahiya ako ng todo kahit alam ko sa sarili ko na ako lamang ang nakarinig nung sinabi nya sakin.
Hindi na talaga katulad ng dati, nalulungkot ako na iba na bigla ang turing nya sakin.
Pagkatapos ng klase namin nakita ko si Drik na papalabas ng classroom namin. Di ko alam anung nasa isipan ko at bigla ko syang sinundan.
Habang naglalakad ako, tinitingnan ko ang likuran nya na para bang gusto ko syang yakapin. Pero hindi ko ginawa, alam ko kasi na masasaktan lamang ako dahil ipagtatabuyan nya lang ulit ako.
Napansin ko na huminto si Drik sa tapat ng isang classroom at doon ay may lumabas na isang babaing maputi na ubod ng sexy at napakaganda.
Agad na humawak sa braso nya yung babae at nakita ko na nginitian sya ni Drik sa ginawa nyang yun. Nagawa nya pang bitbitin yung bag nung babaeng maganda na para bang magkarelasyon sila.
Sa nakita kong yun, agad akong tumakbo papunta sa banyo ng mga babae sa 2nd floor at doon bigla na lamang bumagsak ang mga luha ko.
Pumasok ako sa isang cubicle at doon bigla na lamang akong napaupo at napansandal sa pader.
