Chapter 8 - A Date With Drik

531 25 8
                                    

by: elsipi-are

"So, see you tomorrow?"

"Yah, see you tomorrow." sabay ginantihan ko sya ng isang pamatay na ngiti.

"Goodnight Baby!" dahan-dahan syang lumapit sakin at niyakap ako na ikinagulat ko.

Alam kong kanina nayakap na nya ko habang takot na takot pa ako. Pero hindi ko akalain na uulitin nya pa yun. Buti na lamang mas naunang umuwi si Kim kaysa kay Drik kundi wala sigurong eksenang ganito pagnagkataon.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at hinalikan ang noo ko kasabay ang pagkuha nya sa kamay ko at dinampian ng labi nya ang likod ng palad ko at pagkatapos nun umalis na sya agad dala ang kotse na gamit nya.

Nakita kong pinaharurot nya ng mabilis ito at ako naman eh parang nasemento sa kinatatayuan ko. Nakakagulat talaga ang mga pangyayari sa buhay ko ngayon. Halo-halong emusyon ang nararamdaman ko.

Nagtataka nga ako sa ginawa nya pero kinikilig ako na para bang gusto ng sumabog ng puso ko.

Dahan-dahan kong sinara yung gate at para akong lumilipad na dahon habang naglalakad pabalik sa may bakuran namin. Pagkapasok ng bahay, nadaanan ko pa nga si Mommy na nasa sala namin pero tila hangin lang akong dumaan sya harapan nya at hindi sya kinibo.

Pagkapasok ko ng kwarto ko agad akong pumunta sa kama ko at nahiga na lang dun na para bang walang nangyaring nakakakilabot sakin kanina dito. Halos nakalimutan ko na nga ata ang lahat ng takot ko at napalitan ito ng isang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Yung pakiramdam na naging dahilan kaya hindi ko maialis ang mga ngiti sa labi ko.

"Ang sarap sa pakiramdam. Bakit ganito?" sabay kuha ko ng unan sa may gilid ko at niyakap ito nang pagkahigpit-higpit hanggang sa abutin na ako antok ko.

Kinabukasan ang aga kong gumising at naligo. Ang usapan kasi namin alas-otso ng umaga nya ako susunduin dito sa bahay at sabay daw kasi kaming mag-aalmusal.

Sinout ko yung damit na pinili ni Drik sa may cabinet ko bago sya umuwi at ipaalam ako kay Mommy na may lakad kami kinabukasan. Isang strip-pink na dress na hindi aabot sa tuhod yung haba ng napili nya. Siguro isang beses ko pa lang ito nasusuot kaya sobrang mukhang bago pa. Simple at hindi mukang malanding tingnan kaya siguro eto ang nagustuhan nya.

Naglagay ako ng onting make-up na hindi naman kakapalan, yun bang para lumabas lalo yung ganda ko at mapuna naman nya ko. At nagcontact lense ako na color blue yung may grado para di na ako magsalamin pa kasi baka makasira lang ang outfit ko ngayon sa pang teacher kong salamin.

Hindi naman ako mahilig maglagay ng kolorete sa muka kaya nakakasigurado ako na mapapansin nya ang kagandahan ko ngayon.

Ilang minuto pa, nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok" marahan kong sabi habang nag-aayos ng gamit na dadalhin ko.

"Mam, may naghahanap po sainyo sa labas. Sabi nya po sya daw ang pinaka-gwapong lalaki sa school nyo at patay na patay daw po kayo sakanya kaya babain nyo na sya. Pinapapasok ko nga po pero ayaw nya at mag-aantay na lang daw po sya sa labas" napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dang at natawa lang sya sa naging reaksyon ko.

"Aba! Ang baliw na yun talaga pati si Dang lilinlangin nya pa sa mga kalokohan nya." bulong ko sa sarili ko.

"Sinabi nya yun?" pataas na tonong tanung ko kay Dang.

"Opo mam, yun ho ang sabi nya. Totoo po ba yun? Sa tingin ko kasi sa gwapo nung lalaking yun kahit siguro mga patay na kuko ko mabubuhay pagnakita sya."

"Nako Dang! Wag ka nagpapaniwala dun. Teka, type mo ba? Pakilala kita gusto mo" pang-aasar ko sakanya kasi napansin ko ang kakaibang ngiti sa mga labi nya.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon