Chapter 4 - First Night

619 27 16
                                        

by: elsipi-are

Ala-singko na ng hapon ng makauwi ako ng bahay pagkatapos ng pag aaksaya namin ng oras kanila Drik.

Para sa katulad kong gala, maaga pa para saakin ang ganitong oras ng uwi. Nagkayayaan na kasi kaming lahat kanina na magsi-uwian kaya nakisabay na lang din ako sakanila.

Kahit sa totoo lang, ayoko pa talaga umuwi pero mas ayoko naman na magpaiwan mag isa kasama si Drik sa bahay nila.

Nakahiga ako sa kama ko ng maramdaman kong nagvibrate yung phone ko na dali-dali ko namang kinuha kasi parang na-e-excite ako kung sinong magtetext.

Kamoteng Drik: Kamote nakauwi ka na ba? Baka hindi pa ah! Kaw kasi eh. Sabi ko kanina hahatid na kita ayaw mo naman. Maarte ka na nga ngayon ah! Dati gustong gusto mo magpahatid sakin kasi ang gwapo ko. Tapos ngayon hindi na. Nakakatampo na baby, nagka-textmate ka lang nag iba ka na bigla.

Lyka Samontejo: Luh? Anung inarte yan? Uso na pala sayo yan? Wag mo nga ako patawanin Baliw.

Kamoteng Drik: Grabi ka naman. Tingnan mo ang mean mo na sakin ngayon. Sabihin mo lang kung mas gwapo yang textmate mo. Hahanapin ko yan sa school at ipapagulpi ko sa mga fans ko. Wahahaha!

Lyka Samontejo: Ikaw nga magtigil ka! Kung gutom ka wag ako pagtripan ko. Kung pwede ko lang ipasok tong kamay ko sa phone ko. Aba! Kanina pa kita nasapak dyan. Lols!

Kamoteng Drik: Ang galing mo talaga. Nalaman mo na gutom ako. Hahahaha. Kunwari ka pa, gusto mo lang mahawakan muka ko. Kunwaring sapak! SUS! STYLE MO bulok. Buwahahahaha!

Lyka Samontejo: Pwede ba? Anu ako isa sa mga dye hard fans mo sa school na miski ata balat ng candy na kinain mo pupulutin pa nila para lang madama yang presensya mo. Ewwwww!

Kamoteng Drik: Buti pa sila. Hay! Nag iba ka na talaga. Dati inaabangan mo ko sa gate tapos pag nakita mo ko bigla ka titili. Nagugulat nga ako bat mo ginawa yun eh. Nung naging kaibigan kita naintindihan na kita. Na " ayyy! Malakas lang pala talaga sayad neto at patay na patay sakin kaya ganun sya." ANG GWAPO KO TALAGA! Pero ngayon iba na. Nagka-textmate lang ang yabang mo na. Tsk!

Lyka Samontejo: Ang kapal! Kelan ko ginawa yun. Parang wala akong natatandaan. Tae ka! Baliw ka! GGSS lang?

Kamoteng Drik: Tingnan mo nagka-textmate ka lang. May nalalaman ka pang pa GGSS dyan. Anu yan? Tinuro nya sayo? Patay sakin yun pagnakita ko!

Lyka Samontejo: GGSS means Gwapong Gwapo Sa Sarili. HAHAHAHA. di nya tinuro sakin yan,

Kamoteng Drik: Yun pala yun? Bakit? aminin mo na kahit ikaw nagagwapuhan sakin.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko at patuloy na nag-t-type ng message. Pagkabasa ko nung nakalagay sa message box ko ay bigla nanlaki yung mata ko. "Oo gwapo ka na sa paningin ko ngayon" Hindi ko namalayan na yun pala yung na-type ko.

"Aba Lyka! Anu bang mga pinagsasabi mo. Baliw ka talaga! Buti na lang di mo na-send yan kundi tuwang-tuwa yung Drik na yun." mariin kong sabi na para bang pinapagalitan ko yung sarili ko sa nagawa ko. Maya maya pa biglang nagring yung phone ko.

Pagkasagot ko walang preno-preno syang nagsalita sa kabilang linya.

"Oh anu ba ginagawa mo? Biglang ang bagal mo na magreply. Siguro ka-text mo na yun no? Akala ko ako lang ang prinsipe sa buhay mo. Nagka-textmate ka lang ganyan ka na"

"Hoy baliw, di pwedeng nangawit yung kamay ko magtext sa bilis mong magreply?" pagpapaliwag ko.

"Ganun ba? Sorry na baby. Galit ka na? Nga pala, manuod ka sa HBO "the Grudge" yung palabas. Favorite mo yun di ba? Sige, bye." sabay nawala na si Drik sa kabilang linya.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon