Chapter 30 - Identity

62 1 0
                                        

by: elsipi-are

(Lyka's POV)

Kinabukasan ay maaga din akong pumasok. Nag-focus lamang ako sa aralin namin ngayon at hindi ko inintindi ang presenya ni Drik sa tabi ko.

Alam kong kanina pa sya nakatitig sakin at alam ko na nagmamakaawa na ang kanyang mga mata na sana ay bumalik na kami sa dati.

Hindi ako lumilingon sakanya dahil alam ko na lalambot nanaman ang puso ko at babaliwalain ko ang sinabi ko na iiwasan ko muna sya.

Pagkatapos ng nangyari saakin kagabi ay mas nalinawan ako na dapat talaga ay iwasan ko sya.

Na tama ako sa pag-iwas ko dahil naging parte ng buhay ko ang kaibigan nyang pinakamamahal.

Nung una ay ayoko tanggapin at hindi ako naniniwala na nagkaroon ng espesyal na pagitan saamin ni Jaden nung nabubuhay pa sya.

Pero dahil sa mga nabasa ko at nangyari kagabi ay alam ko na lahat iyon ay totoo.

Para saakin ay hindi tama na magkaroon pa ako ng espesyal na pagtingin sa taong malapit sakanya.

Sa ngayon mas gugustuhin ko na malamam muna ang dahilan kung bakit hindi ko matandaan ang mga pangyayaring iyon.

Ang hirap ipaliwanag pero mas gusto ko sundin ang pinaniniwalaan at nararamdaman ng puso ko.

*vibrates

Nagulat ako ng bigla kong maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Agad ko itong hinagilap sa aking bag at nakita ko ang numero nung tumawag sakin kagabi.

Iyon ang number na gamit-gamit ni Jaden. Nung malaman ko kasi dati na patay na sya ay binura ko agad ang pangalan nya sa cellphone ko. Ayoko na kasing magkaroon ng koneksyon sakanya.

Natatakot ako sakanya at kahit kelan ay hindi ko pinangarap na magkaroon kaibigan o kahit karelasyon na multo o kung ano pa man ang tawag sakanya.

Naniniwala nga ako na merong namagitan samin dati pero di ibig sabihin nun ay hahayaan ko na sya ulit na bumalik sa buhay ko. Hindi iyon tama at nakakatakot sya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at palihim kong sinulyapan ang muka ni Drik na ngayon ay nakatitig lamang sa proffesor namin na nagsusulat sa harapan.

"Patawad Drik, alam kong maiintindihan mo din ako pagdating ng panahon." bulong ko sarili at pagkatapos ay ibinaling ko na ulit ang atensyon sa hawak-hawak ko na cellphone.

Takot ang pumapalibot saakin habang nakatitig lamang sa bagay na iyon, ngunit merong kung ano sa loob ko na nagsasabi na dapat kong basahin ang mensahe na nagmula sa kanya. Kaya naglakas-loob na lamang ako kahit ang totoo ay kanina pa ako di mapakali sa kinauupuan ko.

unknown number: Naniniwala ako na mahal mo pa din ako. Andito lang ako palagi at binabantayan ka.

Nang mabasa ko ang text ni Jaden saakin ay agad kong nabitawan ang cellphone ko. Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo. At kahit na may klase ay napalabas ako ng classroom ng di-oras at nagtatakbo na di man lang alam kung san ako dadalhin ng aking mga paa. Di ko na nga din nagawang damputin pa cellphone ko na nalaglag sa sahig pagkatapos ko mabasa ang mensahe nya.

Habang patuloy ako sa pagtakbo ay bigla kong narinig ang pagtawag sa aking pangalan.

"Lyka! Sandali lang. Saan ka pupunta?" bigla ako napalingon sa pinaggalingan nung boses at nakita ko si Drik.

Imbis na huminto ay mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko pero kahit gaano pa kabilis ang pag galaw ng mga paa ko ay naabutan nya pa din ako.

"Bakit ka ba tumatakbo?" napatigil ako ng bigla nya akong hilain sa aking kamay.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon