Chapter 31 - Love Dead

85 3 1
                                    

by: elsipi-are

Nakahiga ako sa kama ko at nakatitig lamang sa may kisama ng aking kwarto at nag-iisip kung paano ako nakauwi ng bahay habang kasama ang kaluluwa, multo o kung ano pang tawag sa kasama ko kanina.

Hindi ko alam kung bakit nanahimik lamang ako at hindi nagsalita habang pauwi kami ni Jae o Jaden.

Pakiramdam ko ay masisiraan na talaga ako ng ulo sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Minsan nga gusto ko na lang isipin na panaganip lang ang lahat at binabangungot lamang ako.

"Arghhh!" sabay gulo ko sa buhok ko na para bang nasisiraan ng bait.

"Mababaliw na ata ako kakaisip. Hindi ko alam kung matatakot pa ba ako o hayayaan ko na lang o... Ahhhh! Hindi ko na alam gagawin ko." sabay balikwas ko ng kama at sinubsob ang muka ko sa malambot kong unan.

At habang nasa ganoong posisyon bigla na lamang nabalik sa aking isipin yung mga oras na kasama ko si Jae.

"Kaya pala palagi syang andyan kapag kailangan ko ng masasandalan.

Atsaka pag kasama ko sya ang weird ng titig sakin ng mga tao."

Akala ko nung una talagang gwapo lang sya kaya kami pinagtitinginan. Yun pala akala ng mga tao nababaliw na ako. At nagmumuka na pala akong tanga na kausap ang sarili ko.

"Ahhhh! Ayoko na! Lubayan mo na ako Jaden!" pagkasigaw ko nun ay bigla na lamang may imahe na sumagi bigla sa isipan ko at bigla nanakit ang ulo ko katulad nung nangyari saakin sa sementeryo nung kasama ko si Drik.

Nagpupumiglas ako sa biglang pagkirot nito. At ang higpit na ng pagkakahawak ko sa punda ng kama ko na parang mapupunit ko na ito ano mang oras.

At habang patuloy sa pagsakit ang ulo ko ay bigla ko naman nakita si Jaden at nakita ko ang isang babaeng nakatalikod. Naririnig ko ang pagtawa ng babae na para bang sayang-saya ito sa pinag uusapan nila ni Jaden.

Maya-maya pa ay napalitan ng panibagong imahe ang nasa isipan ko.

Bigla ko ulit nakita si Jaden na nagmamaneho at hinalikan nya ang kamay ng kasama nya sa kotse. Halata sa muka nito na sobrang saya nya at pagkatapos ng pangyayaring iyon ay bigla na lamang nagdilim ang paningin ko.

Nawala na ang mga imahe sa isipan ko at nagtataka ako kung bakit puro si Jaden ang ipinakita saakin. At sino ang kasama nya na babae? Bakit hindi ko makita ang pagmumuka ng babaing iyon?

Medyo masakit pa din ang ulo ko kaya nakapikit kong kinapa ang cellphone ko na nakalapag sa maliit na kabinet na katabi ng kama ko.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay nawala na ang sakit na nararamdaman ko kaya naisipan kong idilat na ang aking mga mata.

Napatingin ako bigla sa hawak-hawak ko na cellphone. Hindi ko pala napansin na may nagmessage kanina pa at agad ko itong binasa na di namamalayan na kay Jaden pala iyon galing.

unknown: Hindi na kita gagambalain pa. Alam kong naguguluhan ka na sa lahat ng nangyayari. Hindi ko na pipilitin pa at aantayin ko na lang na maalala mo ang lahat. Pag nangyari na ang bagay na iyon, dadating ako at muli kitang papasayahin.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon