by: elsipi-are
(Lyka's P.O.V)
Nagising ako sa ingay na naririnig ko kaya naisipan kong itaklob ang kumot ko sa aking buong katawan pagkatapos ay isinubsob ko ang aking muka sa malambot kong unan.
"Dang ang aga-aga nanunuod ka. Patulugin mo naman muna ako. Sobrang antok pa talaga ako eh." inaantok na tono kong pagkakasabi habang nakasubsob pa din sa unan ang muka ko.
Pagkasabi ko nun ay lalong lumakas yung ingay na para bang ginigising talaga ako.
"Dang naman, sa baba ka na lang manuod." pakiusap ko habang nasa ganoon pa ding posisyon.
"Gumising ka na. Hoy! Tanghali na!"
Imbis na boses ni Dang ang sumagot saakin ay boses ng isang lalaki ang narinig ko kaya agad akong napabalikwas sa pagkakadapa ko.
"Gigising ka na pala eh. Ganyan ka pala matulog. Ang ganda mo pa din kahit nakanganga ka at tulo laway pa." pagkasabi nya nun ay agad kong kinapa ng daliri ko ang gilid ng bibig ko.
"Ang kapal ah! Wala naman eh." nakanguso kong pagkakasabi sakanya.
Pagkatapos nun ay tumawa sya ng malakas kaya naisipan ko syang batuhin ng unan na hawak-hawak ko.
Agad naman nya itong nasalo at agad akong nagtanong sakanya.
"Bakit ka ba andito sa loob ng kwarto ko?" pagtataray ko sakanya.
"Ah.Eh. Pinaakyat ako ng mommy mo. Sabi nya gisingin na daw kita, eh pagkapasok ko nakita kita na tulog na tulog pa kaya di muna kita ginising." pagpapaliwanag nya.
"Ganun ba? Ano ba yang pinapanuod mo?" napatingin ako saglit sa t.v sa kwarto ko at pagkabalik ng atensyon ko sakanya ay nagulat ako na nakalapit na pala sya saakin.
Hindi ako nakapagsalita dahil sobrang lapit ng muka nya sa muka ko.
"Ikaw." halos pabulong na pagkakasabi nya.
"Ako?" mahina ko namang tugon sakanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.
"Sabi ko IKAW. Ikaw yung pinapanuod ko." seryoso ang muka nya sa pagkakasabi nya nun kaya bigla akong napalunok ng di-oras at para bang nalunok ko ang dila ko kaya di ko magawang magsalita pa ulit.
"Goodmorning baby! Nakita kong masarap ang tulog mo kaya sorry ah. Di ko sinasadya na panuorin ka habang natutulog ka.
Wag ka mag-alala ang ganda-ganda mo naman eh. Kaya wala ka dapat ikahiya.
Para kang anghel na bumaba sa langit habang pinapanuod kita.
At hindi ko maiwasang mapangiti." natulala lalo ako sa mga sinabi nya at para bang naging ibang Drik yung kausap ko ngayon dahil sa mga katagang narinig ko mula sakanya.
Kanina kasi ay malokong Drik ang bumungad saakin at ngayon naman ay bigla na lamang nag-iba ang timpla nya na para bang nagpapa-sweet effect sya.
Hindi ko alam kung nananaginip pa din ba ako o nasa realidad ako na andito sya sa kwarto ko at pinapakilig ako.
Kinurot-kurot ko ang pisngi ko habang nakatingin pa din sa mga mata nya. At ng maramdaman ko ang sakit ay bigla ko syang nakita na tumawa.
"Bumangon ka na nga dyan.
Nakakatawa ka talaga ang dami mong kalokohang alam." yun lamang ang sinabi nya at umalis na sya sa harapan ko at nagtungo sa pinto ng kwarto ko.
At bago nya mabuksan ang pinto ay nagsalita syang muli.