Chapter 2 - Drik Escueta

868 36 12
                                        

by: elsipi-are

Hi I'm Lyka Samontejo, nakalimutan ko pala ipakilala yung sarili ko. Nauna pa yung nangyari nung first day ko dito sa University. hahahaha!

Business Administration yung kinukuha kong course tapos major in Banking and Finance, magkatulad kami ng baliw na si Drik Escueta. Yun ang tawag ko sakanya at meron pang isa "Kamoteng Baliw".

Ewan ko after nung first day lagi ko na syang nakakasama. At kahit papano nakilala ko naman na sya at tinuturing na naming kaibigan ang isa't isa.

Swerte ako sa tingin nila. Pero para sakin normal lang ang lahat. Panu ba naman kasi halos dalawang buwan pa lang yung nakakalipas eh masyado ng kilala dito sa buong campus si Drik. Kilala sya bilang Prince of Business Ad. Katawa di ba? Sobrang dami kong tawa! Mga 100 times!

Ang daming nagkakagusto at ang dami ding gustong makipag kaibigan sakin ng dahil sakanya kasi nga close kaming dalawa.

Kung tutuusin everytime na mapag-uusapan namin ni Drik yang about sa pagiging 'Prince' nya dito sa school eh halos gumulong na ako sa kakatawa pag nag papapogi sya.

Gwapo naman sya, pero natatawa lang talaga ako. Siguro kasi kaibigan ko sya kaya ganun. Sabi ko nga sainyo baliw tong tao na to. Kung ako baliw, sya sampung beses ko ata o higit pa dun.

Lahat ata ng kalokohan at lahat ng jokes sa mundo alam nya. Di pa sya nauubusan ng kwento. Sa tingin ko nga pinakain ata ng chururut ng manok to si Drik kaya ganito kadaldal. Di ko na sasabihin yung about sa manok basta alam nyo na yun! Hehe.

Sa sobrang kampante at close namin ni Drik sa isa't isa eh napagkakamalan pa nga ng ibang estudyante na meron kaming relasyon at ayaw lang namin umamin. Which is, ang swerte ni Drik! Maganda, matalino, sexy, mabait, baliw, etc. Lahat na ata nasaakin na anu pa ba mahihiling nya. BONGGA di ba? Totoo yung pagkakadescribe ko sa sarili ko. Di ako nagbubuhat ng sariling bangko. Honest lang.

Kaya ayun, di na lang namin pinapansin ni Drik yung chismis nila. Sa totoo lang kasi mabuting magkaibigan kaming dalawa. Walang halong malisya ang lahat kahit lagi syang nakaakbay sakin. Puro batok at hampas naman ang ginawa ko sakanyang ganti sa lahat ng kalokohan nya. Ganyan kami ka-sweet sa isa't-isa kaya akala nila kami talaga, lambingan daw namin ang ganun, yun ang sabi nila.

At eto na nga ako ulit maaga gumising para hindi ma-late sa favorite subject ko na History! Joke lang. Di ko sya favorite, isa sya sa pinaka hate ko . Yun ang pinakatotoo. Ang boring nga kasi. Kaya pag history yung class namin puro kwentuhan yung ginagawa namin ni Drik.

"Speaking of Drik, asan na ba yun? Bat wala pa din dito."

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko para itext sya kasi halos 30 minutes ng nagsimula yung class namin eh wala pa din yung lalaki na yun.

To: Kamoteng Drik

Hoy lalaking baliw. Asan ka na? Bakit wala ka pa? late ka na. Sabi mo kagabi di ka aabsent kasi naawa ka sakin na baka maboring ako dito. Asan ka na! Ililibre mo ako mamaya pag di ka umattend ng history. Bahala ka, puro mamahalin yung oorderin ko sa canteen. Matakot ka! Bwahahahaha.

...

...

...

MESSAGE SENT!

"Ang galing ko talaga manakot. Tingnan lang natin baka tumakbo agad yun sa takot na malibre ako." tawa pa din ako ng tawa sa utak ko pagkatapos ko ma-send yung message kay Drik. Maya-maya nag vibrate yung phone ko.

From: Katomeng Drik

Uy baby! Sorry di ako makakapasok sa History. Nalate ako ng gising. Sorry talaga! Kita na lang tayo maya pag dating ko ng school. Treat ko na lunch kahit anong orderin mo. OKAY LANG! loveu kamote! Umagang umaga ang sweet mo sakin, naalala mo pa ako. HAHAHAHA.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon