by: elsipi-are
Mabilis dumaan ang araw at eto nanaman kami sa tinatawag naming Hell Week.
Puspusan kami sa pag-re-review para sa Pre-finals namin. At andito kami ngayon sa nahanap namin na tambayan sa ilalim na malaking puno na may mga upuan at lamesa.
Onti lang ang nadadaan sa gawing to kaya mas minabuti namin na dito na lamang magreview ngayon. Tutal naman wala na kami lahat klase at napaka-presko ng hangin dito at nakaka-refresh ng pag-iisip.
Napili kong sa damuhan magrewiew. Nilatag ko lang ang malaking blanket na dala ni Kim at onti-onti pa ay nakaramdam na ako ng pagod sa ginagawa ko.
Napahiga ako at tiningnan ang orasan ko. Halos dalawang oras na din pala akong nag-aaral ng mga notes ko.
Bigla ako napatingin sa kalangitan na tila gusto ko abutin ang mga ulap gamit ang aking mga kamay.
Napaka maaliwalas tingnan nito kaya nanatili muna ako sa ganung posisyon ng biglang may nanira sa katahimikan na meron sa paligid ko kanina.
"Alam ko na ang ini-imagine mo. Na lumipad ka sa kalangitan at kasama ako" sabay tawa nya ng malakas.
Napatingin ako sa taong nakahiga sa may bandang gilid ko na syang pinanggalingan ng boses.
Hindi ko namalayan na andun na pala si Drik at eto nanaman guguluhin ang kanina eh tahimik at payapa kong buhay.
"In your dreams" yun lang ang sagot ko sakanya at nanahimik na ulit ako. Para kasing ayoko makipag-usap sakanya kasi sya nanaman ang magiging laman ng isip ko at mahihirapan akong mag-aral nito.
"Alam mo minsan di ko maintindihan kung masungit ka ba talaga o kinikilig ka lang talaga pag andito na ako." nanunuksong sabi ni Drik.
At eto nanaman sya, nangungulit at walang ibang mapag-tripan kundi ako. "Kilig mo muka mo. Magreview ka na nga lang dyan." sagot ko sakanya.
"Tapos na ko magrewiew ilang gabi din akong di natulog ah. Kaya after ng exam week natin....
Labas tayong dalawa"
"Ahhh?" yun lang ang nasabi ko kasi nagulat ako sa biglaang pag-aaya nya.
"Sabi ko labas tayo. Sige ayaw mong labas? Edi date na lang." seryoso ang boses nya habang sinasabi yun.
"Labas? Date? Para san?" mahina kong tugon sakanya.
"Wala lang para...
Para...
Treat ko na sayo tutal lagi kita inaasar this past few weeks.
Bawi ba.
Ayaw mo?
Sige iba na lang aayain ko." paliwanag nya sabay bawi.
"Ganun biglang bawi? Di pa nga ako sumasagot. Hmmm. Sige after ng midterm gora tayo." matapang kong sagot sakanya kahit alam ko sa loob loob ko eh kinakabahan ako ng matindi.
"Sabi mo yan ah! By the way mauuna na pala ko sainyo umuwi. May pinapaasikaso kasi si Daddy sakin tska may lakad kasi ako kaya di ko na kayo maantay. Sinabi ko lang ng maaga IN CASE NA AYAIN KA NG TEXTMATE MO."pinagdiinan nya talaga yung mga huling mga salita at sabay tumayo na sya at biglang nagpaalam sa lahat na aalis na sya.
Ewan ko ba dito kay Drik halos isang buwan na din at di pa din makamove-on sa textmate na yan.
Speaking of textmate? Himala at hindi nag-te-text si Jaden ngayon na ipinagtataka ko kasi kadalasan ang hilig mag PM saakin nun.
