Chapter 10- Revealed

515 24 8
                                        

by: elsipi-are

Pagkatapos ng klase namin ni Drik ay inaya nya akong pumunta sa bahay nila. Friday naman daw ngayon at wala kami pasok kinabukasan. Pinaalam nya rin ako sa mommy ko na baka gabihin na ako ng uwi kaya ihahatid na lang nya ako.

At ang sabi pa nya pupunta daw sa bahay nila ang dalawa sa matalik nyang kaibigan at ipapakilala nya din daw ako. Nung nalaman ko yun natuwa talaga ako at buti na lamang maganda ang damit ko ngayon at nakakasigurado ako na hindi sya mapapahiya sa mga kaibigan nya pagnagkataon.

Mga pasado ala-sais na ng matapos sya sa pagluluto. Gusto ko sana syang tulungan pero ayaw naman nya. Mahilig kasing magluto si Drik kaya nagprisinta sya na lutuan ako ng dinner at para na din daw dun sa dalawang dadating.

Nasa ibang bansa daw yung mommy and daddy nya kaya mag-isa lang sya dito. Yung ate naman daw nya nasa states at may pamilya na, minsanan lang din kung umuwi dito sa Pinas. Kaya dati daw madalas syang nagpapapunta ng mga kaibigan nya dito sa bahay nila at minsan pa nga dito na nya pinapatulog.

Pero simula nung nag-aral na sya ng college madalang na daw sya nakakapag-stay ng matagal sa bahay nila. Tulog at kain lang ang ginagawa nya at pagkatapos papasok na at dun na magtatagal sa school o kaya nasa galaan.

Hindi pala sya mag-isa, kasama din pala nya yung isa nilang driver at tatlong kasambahay. Bali, lima silang nakatira dito ngayon sa malaking bahay nila Drik.

"Baby, tara kain na tayo." napalingon ako sakanya ng bigla nya akong tawagin habang nanunuod ako sa sala nila.

Nagulat ako at mas lalong nagutom nung nakita ko yung makisig nyang katawan. Hahaha. Ang landi lang! Ngayon ko lang kasi nakita na wala syang pang-itaas at lalo syang nagmumukang hot sa paningin ko kasi naka-apron pa sya.

Ang laki din pala ng katawan ni Drik kaya di na ako nagtataka na madaming nagkakagusto sakanya kasi bukod na sa hindi sya playboy, mabait pa sya, sweet, napakagwapo, matalino, cool at bukod sa lahat napaka-hot nya. Almost perfect nga sabi nila pero maloko lang talaga at madaming kalokohang alam.

Hmmm. Feeling ko tuloy summer na ulit sa paligid ko at bigla ko gustong mag-swimming o kaya tumira sa loob ng ref namin. Ahmm. Pwede ding sa ref na lang din nila Drik para araw-araw ko syang makikita.

"Anu? Di ka ba nagugutom? O busog ka na agad dahil nakita mo ko?" pang-aasar nya.

"Tama sya nabusog ako nung nakita ko sya and at the same time nagutom ulit ako." bulong ko sa sarili ko.

"Kaylangan pa ba kita buhatin papunta sa kitchen? O kaya mo nang maglakad mag-isa?" tanong nya ulit at naglakad na papalapit saakin.

Alam kong maloko to si Drik at gagawin nya talaga ang pagbuhat nya sakin kaya bigla akong na-alarma at nabalik sa realidad na kasama ko ang topless with apron na si Drik at papalapit na sya saakin.

"Eto na nga eh! Atat ka lang?" sabay lakad ko at nilampasan ko sya.

Umupo ako sa dining table at isa-isa nyang nilapag sa harapan ko yung mga niluto nya. Tatlong putahe yun tapos sobrang dami pa.

Hinubad nya yung apron nya at nagsuot ng t-shirt atsaka umupo sa tabi ko. Amoy na amoy ko pa din ang mabangong pabango ni Drik nung tumabi na sya sakin. At kahit na medyo pinagpawisan sya kanina sa pagluluto, hindi pa din nawala ang ka-gwapuhan nya at habang tumatagal nagiging iba na ang timpla ni Drik sakin. Dati kasi bitter-sweet lang, ngayon naging sweet and spicy na! Na para bang habang tumatagal mas lalo ko syang nagugustuhan kasi mas lalo ko syang nakikilala.

Sinalinan nya pa ako ng juice sa baso at nilagyan ng kanin yung plato ko. Sabi ko nga kaya ko na pero ayaw nyang papigil at sya na daw ang gagawa para sakin.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon