by: elsipi-are
(Kim's POV)
Nang malaman ni Tita ang masamang nangyari kay Lyka ay agad kaming napasugod sa ospital na pinagdalhan sakanya nung babaeng sumagot sa telepono nya.
Sa byahe pa lang ay nangingilid na ang mga luha ko pero nilakasan ko ang loob ko dahil kailangan kong pakalmahin si tita na kanina pa nagpapanic.
"Tita, kalma lang po tayo. Alam ko po na hindi pababayaan ng diyos si Lyka." sabay yakap ko sakanya na patuloy pa din sa pag-iyak.
"Sana nga Kim, dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari na masama sa kaibigan mo. Ikamamatay ko yun." at lalo pa syang humagulgol sa kakaiyak.
Nang marating namin ang ospital ay binalitaan agad kami ng Doktor. Puro galos at pasa daw ang inabot ng pasyente at kailangan pa daw ito tutukan kung anung magiging reaksyon ng katawan nya kapag nagising ito.
Mga ilang oras pa ang tinagal namin sa labas ng emergency room ng ilabas na doon si Lyka at idala sa kwarto kung saan sya icoconfine.
Naiyak ako sa nakita kong itchura nya dahil ang dami nga nitong sugat at pasa sa katawan. May benda din ang ulo nito at may anu-anong pang nakalagay sa kamay nya at sa iba pang parti ng katawan.
Nagsisisi tuloy ako kung bakit nakatulog agad ako ng gabing iyon at kung hindi sana ay hindi iyon mangyayari sa kaibigan ko.
Nang marating namin ang kwarto ay nagpaalam muna si tita saakin aasikasuhin nya yung ibang mga bills sa ospital at para bumili ng mga gamit maging mga pagkain.
Kakaantay kay Tita ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak-hawak ang kamay ni Lyka.
"Bes..." may biglang gumising saakin at nang makita ko ang taong iyon ay si Lyka pala.
"Ano nararamdaman mo?
May masakit ba sayo?
Tatawagin ko ba yung nurse o doktor?
Okaya ano... Ano gusto mo?" sunod-sunod na sabi ko sakanya.
"Bat ako andito?" malambing na pagkakasabi nito saakin. "Tska anong nangyari?" dugtong pa nito.
"Naaksidente ka, bumangga sa pader yung kotse mo." malumanay kong sabi sakanya habang hawak-hawak yung kamay nya.
"Anong ibig mo sabihin?" nagtataka nitong pagkakasabi saakin at pagkatapos nun ay bigla na lang sya nagsisigaw.
"Ang sakit!
Ang sakit bes!" pasigaw nitong sabi habang nagpupumiglas sa kanyang pagkakahiga.
Nataranta ako sa nakita kong nangyayari sa kaibigan ko kaya bigla akong kumaripas ng takbo at tumawag ng Doktor.
Mga ilang oras ang tinagal bago matapos ang pasuri kay Lyka. Sa pagkakataong ito ay kasama ko na ang mommy nya na nag-aantay sa magiging resulta ng test sakanya.
Maya-maya pa ay nakita na namin na lumabas ng kwarto yung doktor na sumuri sakanya.
"What happen to my daughter doc?" nag-aalalang tanong ni Tita.
"The patient is expiriencing a memory loss." nagulat kami parehas sa sinabi ng doktor.
"What do you mean by that doc?" pigil na luhang tanong pa din ni Tita.