Chapter 6 - Jaden

504 27 7
                                        

by: elsipi-are

FLASHBACK...

(Jaden's P.O.V)

"Dude, tingnan mo yang babaeng yan." sabay turo ko kay Kevin dun sa babaeng kanina pa nakaupo at mukang may inaantay.

"Oh bakit Jaden anu meron sakanya? Type mo?"

"Loko! Lagi ko kasi nakikita yan dyan eh. At laging nag-iisa. Di ba ang ganda nya?" tanung ko kay Kevin.

"Lagi pala nag-iisa eh edi lapitan mo. Hmmm. Oo maganda pero di ganyan yung type ko. Alam mo naman na gusto ko yung mga naka-red lipstick!" may pagkatusong sabi ni Kevin.

Maya maya pa dumating na si Drik kasama si Brent. At bubuka pa lang sana yung bibig ni Kevin eh inaya ko na agad yung dalawa na mag arcade. Kabisado ko na kasi tong mga to. Pag alam nila na may type akong babae, mangingialam sila at kukunin yung number. Di para i-text kundi para ibigay sakin.

Sa totoo lang kaya ko namang gawin yung ganun kaso nga lang ang bagal ko daw kumilos kaya laging nauunahan. Napatingin ako kay Kevin at nakita kong napakamot sya ng ulo kaya natawa ako ng onti.

"Oh anu Kevin dyan ka lang?" maangas na tanong ni Drik.

"Easy Dude" sumagot lang si Kevin at sumabay na saming tatlo maglakad.

Bago kami umalis, sinulyapan ko yung babaeng parati kong tinititigan sa may Cafe. "Ang ganda nya talaga at napakaamo ng mukha nya" bulong ko sa sarili ko. "One of this days, hindi ka na mag-iisa dyan sa cafe dahil sasamahan na kita"dagdag ko pa.

Hindi ako playboy at minsan lang ako magkagusto sa babae kaya sinasabi ko na kung ako boyfriend nya, hindi ko sya pag aantayin ng ganyan.

Pagkatapos naming mag arcade dumaretcho kami sa bahay nila Drik. Nag-aya akong mag inum tutal naman nakapasa ako sa University na gusto kong pasukan.

"Dahil dalawang linggo na lang at pasukan na. Sulitin na natin to. Para sa kanya-kanyang buhay natin sa College! Cheers!" malakas kong sabi.

"Cheers dude!" sabay sabi din ni Brent at Kevin.

"Cheers para sainyong tatlo! Pag gumaling na si Daddy at may katulong na si Mommy sa business namin. Promise ko susunod agad ako sainyo! Kita kita na lang!" sabay tawa ni Drik ng malakas habang hawak nya yung bote ng beer na iniinom nya.

Ganyan lang si Drik ang bestfriend ko. Masayahin, mabait at sya ang pinakamaraming alam na kalokohan saming apat. Pero kahit maloko sya, saludo ako sakanya kasi sa sobrang responsable nya. Kasi di muna sya papasok ng college para sa family nya. Hindi naman sya pinilit ng mga ito na huminto muna sa pag-aaral, sariling desisyon nya yun kasi ayaw nyang mahirapan ang mommy nya na magpalakad ng business nila na nag-iisa. Kaya kahit gusto na nya mag-aral eh huminto muna sya para lang hindi mahirapan yung mommy nya.

Kaya sa aming apat? Sakanya ako pinaka-bilib.

Kinabukasan pumunta ako ng mall. Nagbabakasakaling makita ko ulit dun yung girl na lagi kong nakikita. Laking ngiti ko naman na andun sya sa Cafe at walang kasamang iba. At napaka swerte ko nga naman na walang vacant seat kaya magkakaron ako ng chance na lumapit sakanya at maki-share ng table.

Agad akong pumunta sa counter at umorder nung favorite ko na frap at pagkatapos nagkukunwaring naghahanap ng mauupuan. Nakita kong napalingon sya sakin at napatingin naman ako sakanya at laking gulat ko ng ngumiti sya. Feeling ko nasa heaven ako at lumulutang. Effective pala yung ginawa kong pagpapapansin.

Nakita ko ding sumenyas sya sa katapat na chair na kinauupuan nya. Na para bang sinasabi na "Dito ka na umupo, wala naman akong kasama" lumapit naman ako sakanya at tinanong sya,

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon