by: elsipi-are
(Lyka's P.O.v)
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang pamilyar na pangalan.
"Ja.... Ja... Ja--den Smith." nabulaslas ko ang pangalan ng taong kanina ko pa hinahanap.
Halong kaba, awa at takot ang namamayani sakin habang binabasa ko ang mga nakalagay sa ibabaw ng pinagpapahingahan ng kanyang mga labi. Sari-saring sulat na gawa sa plastic o kaya naman ay nakalaminate ang mga nakalagay doon. May mga mensahe at yung iba naman ay mga bible verses.
Habang patuloy ko pa ding binabasa ang mga nakalagay doon ay hindi ko namalayan na bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.
"Bakit ba ako umiiyak?" mahina kong pagkakasabi sa sarili ko.
*vibrates
*vibrates
*vibrates
Nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko ay agad ko itong kinuha mula sa bag ko.
Sasagutin ko na sana ang tawag ng bigla na lamang...
"Ahh-hhh-hhh!" nabitawan ko bigla ang cellphone ko at napaupo ako sa sahig.
"Ano to?
Ang sakit!
Ahhh-hhhh-hhhh!" pagrereklamo ko sa biglaang pagsakit ng ulo ko.
Akala ko ay normal na sakit ng ulo lamang ito gawa ng mainit na panahon. Pero parang habang patagal ng patagal ay parang mas sumasakit sya at parang bigla na lamang itong sasabog anu mang oras.
Napapikit ako at bigla na lamang nagkaroon ng mga imahe at sitwasyon sa isipan ko na hindi ko matandaan kung kailan nangyari.
Isang sitwasyon na kung saan ang isang babae ay naglalakad sa isang magandang lugar at hawak-hawak nya ang kamay ng isang lalaki.
Sa tingin ko ay ako ang babaeng iyon dahil kahit nakatalikod sya ay magkaparehas kami ng hubog pati ang mga pisikal nyang katangian ay katulad ng saakin. Pero hindi ko matandaan kung kelan nangyari ang mga bagay na iyon.
Muling nanakit ang ulo ko ng papaharap ng yung lalaking kahawak ko ng kamay. At bago ko pa makita ang mukha nya ay bigla na lamang nawala ang imahe sa aking isipan.
"Sino ka?" napasigaw ako habang nasa ganung posisyon pa din at hawak-hawak ang nananakit kong ulo.
"Bakit nangyayari sakin to?" pasigaw ko ulit na sabi at humagulgol na ako ng pagkalakas-lakas.
*vibrates
Nakita kong muli ang pagtawag sa cellphone ko kaya pinilit ko itong abutin ngunit hindi ko magawa.
"Bakit?" napaiyak na lamang ulit ako at napatingin ako sa paligid. At biglang nahagip ng mata ko ang isang lalaki na tumatakbo papalapit saakin at tinatwag ang aking pangalan.
"Lyka!" sigaw nung lalaki na papalapit saakin.
"Drik...." pagkatapos ko tawagin ang pangalan nya ay hindi ko na alam ang kasunod na nangyari.
(Drik's P.O.V)
Patuloy ko pa ding hinahanap si Lyka ng bigla akong makakita ng isang babaeng nakaupo sa sahig.
"Anung ginagawa nya sa tapat ng puntod ni Jaden?" nagtataka kong tanong sa sarili ko ng mapagatanto ko na si Lyka pala yung babae.
Tinawag ko ang pangalan nya ngunit hindi sya lumilingon. At patuloy pa din syang nakaupo at hawak-hawak ang ulo nya.
"Umiiyak ba sya?" nag-aalala kong tanong sa sarili ko.
Nang marinig ko ang pagsigaw nya ay kumaripas ako ng takbo habang patuloy pa din sa pagtawag ng pangalan nya.
"Lyka!" sigaw ko habang papalapit sakanya.
Nang malapit na ako sakanya ay dahan-dahan syang bumagsak. Buti na lamang at mabilis akong kumilos kaya nasalo ko agad ang ulo nya bago pa ito tuluyang maumpog sa sahig.
Binuhat ko sya at nilibot ko ang mata ko sa paligid. Nang makakita akong ng upuan sa may gilid ng puntod ni Jaden at dinala ko agad doon si Lyka.
Pagkababa ko sakanya doon at isinandal ko ang katawan nya sa dibdib ko.
"Ano bang pinag gagawa mo sa sarili mo? Pinag-aalala mo nanaman ako." niyakap ko sya at patuloy na binibigkas ang pangalan nya.
"Gumising ka na Baby!" bulong ko sakanya habang nasa ganun pa ding posisyon.
Hinaplos haplos ko ang ulo nya at nang maramdaman ko na basa ng pawis ang buhok nya sa may bandang noo ay agad kong hinagilap ang panyo ko sa aking bulsa.
Pagkapunas ko sakanya ay ipinangpapaypay ko ang panyo ko sakanya para makaramda sya ng kaunting hangin.
"Lyka." mahina kong pagkakasabi at sya namang pagmulat ng mata nya.
"Drik?" sa tono ng boses nya ay mahahalata mo agad na hinang-hina sya sa nangyari.
"Anong nangyari sayo? At ano ang ginagawa mo sa harapan ng puntod ni Jaden?" nagtataka kong tanong sakanya.
"Sumakit bigla yung ulo ko...
Teka kilala mo si Jaden?" pagpapaliwanag nya habang nakahawak sa ulo nya.
"Oo." matipid kong sagot.
"Ah, alam ko na. Di mo kasi sinabi sakin na varsity ka pala dati at ka-team mo si Jaden. Tama ba ako?" paputol-putol nyang pagkakasabi.
"Ka-team? Oo dati, pero nakalimutan mo na ba yung nasabi ng mga kaibigan ko nun?" may pag-aalala kong sagot sakanya.
"Anong kaibigan?" sa tono ng pagkakatanong sakin ni Lyka ay halatang nagtataka sya sa mga nangyayari, miski ako ay nagtataka na din at naguguluhan sa lahat.
"Sila Brent, yung pinakilala ko sayo dati. Naalala mo na?"
"Ah sila Brent, bakit varsity din sila dati sa school?" may pagka-inosente nyang pagkakasabi.
"Hindi, diba yung bestfriend namin na iniwan na kami."
"Hindi kita maintindihan." kunot-noo nyang sabi.
"Halika papakilala kita sakanya.
Kaya mo na ba tumayo?" tumango lang sya sakin at pagkatapos ay inalalayan ko sya papunta sa harap ng puntod ni Jaden.
Hawak-hawak ko sya sa balikat nya at hinawakan ko ang isa nyang kamay saka ako nagsalita muli.
"Dude naalala mo yung sinasabi ko sayo dati? Eto na sya, ang ganda nya di ba? Alam mo sobrang espesyal nya dito sa puso ko. Kaya gusto ko makilala mo sya.
Dude, si Lyka nga pala." pagkatapos ay tumingin ako kay Lyka.
"Baby, si Jaden... ang bestfriend ko." nagulat ako sa naging reaksyon ni Lyka dahil nanlaki ang mga mata nya pagkatapos kong ipakilala sakanya si Jaden.
Author's Note:
Hi there! Hows my update? Nakakaloka ba ang mga rebelasyon? Kasi ako gulat na gulat. Hehe. Anyway, pagpasensyahan nyo na ang mga typo errors ko at kung ano man ang meron dyan.
Please feel free sa pag comment and pa-vote na din ho kung nagustuhan nyo ang update ko. Thank you sa time mo. More powers readers! Muaaa.