by: elsipi-are
(Drik's P.O.V)
Naglalakad ako papunta sa gym ng bigla akong makarinig ng pagsigaw. Sa lakas ng pagkakasigaw nya ay agad kong nalaman na nasa locker room sya ng mga babae sa may likod.
Panay pa din ang sigaw nya kaya naisipan kong puntahan ito. At habang palapit ako ng palapit sa locker room ay parang nagiging pamilyar saakin ang sigaw nya.
At ng maging malinaw na saakin ang boses nya ay agad akong napakaripas ng takbo at nagsisigaw.
"Lyka? Lyka! Antayin mo ko andyan na ko." halos madapa-dapa na ako sa pagkakatakbo ko sa sobrang pagmamadali ng mapagtanto ko na boses pala yun ni Lyka.
At nang mapasok ko na yung loob ng girls locker room ay tumambad sa harapan ko ang kawawang si Lyka na halos pagsisikan na ang sarili nya sa ilalim ng upuang bakal.
Nakitang kong patuloy pa din sya sa pagsigaw, umiiyak habang nakapikit at yakap-yakap ang sarili nya.
Naawa ako sakanya kaya agad ko syang tinawag sa sobrang pag-aalala ko. At ng marinig nya ang pagtawag ko sakanya at ng makita nya ako ay agad syang kumaripas ng takbo at nag-iiyak sa dibdib ko.
Sa nakikita kong kalagayan ni Lyka ngayon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa pagpapanggap na ginagawa ko kaya niyakap ko sya.
Nanginginig sya sa sobrang pag-iiyak kaya mas lalo ko syang niyakap ng mahigpit.
"Tahan na Lyka." malambing na sabi ko sakanya.
"Drik." yun lang ang nasabi nya at umiyak nanaman sya ng pagkalakas-lakas.
"Shhhhhh. Tahan na. Andito na ako." kasabay nun ay ang paghaplos ko sa malambot nyang buhok.
"Bu-'ti duma--ting ka. Hin--di ko na alam ang ga--ga-win ko kung hin--di ka duma--ting." utal-utal nyang pagkakasabi.
"Wag ka na umiyak tumahan ka na. Andito na ko." bigla syang kumalas sa pagkakayakap saakin at hinawakan nya ang magkabila kong pisngi na para bang nahihibang.
"Parati syang nakatingin sakin. Parati nya kong pinagmamasdan. Binabantayan nya ako kahit saan ako magpunta. Hindi lang ito yung unang beses. Dahil maraming beses na at paulit-ulit.
Nung una, akala ko masyado lang ako nadadala ng imahinasyon ko pero ngayon nagpakita sya sakin.
Hindi ko kaya yung ganito. Hindi nya ko titigilan. Natatakot na ako kasi...kasi.... habang tumatagal... palala na ng palala yung nangyayari. Drik, natatakot ako sakanya. Hindi ko alam kung sino sya. Hindi ko alam kung anu sya. Kaya please lang ilayo mo na ako sa lugar na ito" sa sinabing iyon ni Lyka ay naramdaman ko ang takot nya.
Sobrang nanginginig ang buo nyang katawan kaya dali-dali ko syang tinanong kung asan ang mga gamit nya.
Pagkatapos nya ituro ang mga gamit nya ay agad ko itong kinuha at akmang hihilain ko na sya palabas ng locker ngunit pinigilan nya ako.
Napansin ko na hindi na sya makagalaw sa kinatatayuan nya dala na din siguro ng takot nya kaya agad ko syang binuhat papalabas. At nagmadali akong naglakad papunta kung saan andoon yung kotse ko.
Habang buhat ko sya ay nakakapit lang sya ng mahigpit sa mga braso ko at kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata.
Nang makarating kami sa kotse ko ay pinuwesto ko sya sa harapan katabi ng driver's seat at inabutan ko sya ng isang bote ng tubig na kabibili ko pa lamang bago ako magawi sa gym at marinig ang mga sigaw nya.
Nanginginig pa din sya kaya tinulungan ko syang hawakan ang bote ng tubig habang iniinom nya ito.
Pagkababa ko ng bote ay hinagilap ko ang magkabila nya kamay at hinawakan ang mga ito pero hindi pa din sya mapakali at palinga-linga sa paligid na parang nababaliw.
Kinakausap ko sya pero iyak lamang sinagot nya saakin, pagkatapos nun ay titingin nanaman sya sa paligid at bigla na lamang nagsisigaw.
Ayoko sanang gawin sakanya ang nasa isipan ko pero yun lamang ang sa tingin ko ang makakapag pagising sakanya na kasama na nya ako.
*slap
Sinampal ko sya sa kaliwa nyang pisngi. At pagkatapos nun ay tumigil sya sa pagsigaw. Umiyak sya at bigla akong niyakap.
"Drik, Andito ka na.
Akala ko walang ng magliligtas sakin sa lugar na yun. Akala ko walang makakarinig sakin. Akala ko nag-iisa lang ako.
Pero dumating ka. Buti dumating ka." habang sinasabi nya yun ay nakayakap sya sakin at nakasandal ang ulo nya sa balikat ko.
"Ssshhh. Tahan na. Andito na ko di ba? Niligtas na kita, narinig kita at ngayon hindi ka na nag-iisa kaya sana wag ka na umiyak.
Sorry kung napabayaan kita at hindi kita na-protektahan dun sa sinasabi mo. Pangako, hindi na ulit ako aalis sa tabi mo. Hindi na kita hahayaang mag-isa.
Okay ba yun? Baby?" pagkatapos kong magsalita ay iniangat ko ang ulo nya at hinawakan ang magkabila nyang pisngi.
Pinunasan ko ng daliri ko ang mga luhang nalaglag sa mga pisngi nya at pagkatapos nun ay nginitian ko sya.
"Pangako?" mahina nyang pagkakasabi.
"Oo, pangako Baby Ko" at dinampian ko ng halik ang noo nya.
(Lyka's P.O.V.)
Habang nasa byahe kami ni Drik ay hindi pa din maalis sa isipan ko ang nakakatakot na pangyayari kanina.
Panay ang galaw ko sa kinauupuan ko na para bang hindi mapakali ng bigla ko maramdaman ang pagpisil sa kaliwa kong kamay.
Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan andoon si Drik at nagmamaneho.
Sumulyap sya saakin at nginitian ako.
Nakalagay ang kaliwa nyang kamay sa manubela at ang kanang kamay nya ay nakahawak sa kamay ko.
Napangiti ako at naramdaman ko nanaman ang pagpisil nya sa kamay ko.
Magsasalita na sana ako ng bigla syang magsalita.
"Natatakot ka pa din ba?"
Tinitigan ko sya at kasabay nun ay ang pagbalik ng atensyon nya sa harapan ng kalsada.
Naramdaman ko nanaman ang pagpisil nya sa kamay ko at pagkatapos nun ay saka ko na naisipang magsalita.
"Natatakot? Hindi na masyado." mahina kong pagkakasabi.
"Mabuti naman, basta tandaan mo na andito lang ako at hindi na kita iiwan pa." ngiti lamang ang sinagot ko sakanya at pagkatapos nun ay nagsalita ulit sya.
"Gusto mo bang dun na lang ako sainyo matulog? Para naman mabantayan kita."
"Huh?" nabigla ako sa sinabi nya kaya agad kong binawi ang kamay ko na hawak-hawak nya.
"Para lang, mabantayan kita. Kasi nag-aalala ako." biglang naging seryoso yung muka nya.
"Ah, Eh. Okay na ako kaya kahit wag mo na ko samahan. Kay Dang na lang siguro ako papasama."
"Kahit sa sofa nyo sa sala nyo ako matulog, okay na ako dun." pangungulit nya.
"Wag na Drik nakakahiya naman sayo."
"Gusto ko naman yun kaya sana pumayag ka."
"Sigurado ka ba dyan?"
"Oo, gusto ko makasigurado na maayos kang makakatulog ngayon." napatingin ulit ako sakanya at nakita ko na seryoso ang muka nya.
"Sige na nga, pagdating na lang sa bahay magpapaalam na lang ako kay Mommy."
"Hindi, ako na lang magsasabi sa Mommy mo at para malaman na din nya yung nangyari sayo."
A/N: Hi chapter 17 readers! Pagpasensyahan nyo na po ang mga typo errors ko at wrong grammars.
Nagustuhan nyo ba ang chapter na ito? Comment & Vote! Ty po! More Powers!
