Chapter 7 - Pink Dress

540 22 9
                                    

by: elsipi-are

"Date? Mag-da-date kami? Anung gagawin ko ang tagal ko na ding hindi nakikipag date at kinakabahan talaga ako" natataranta kong sabi habang kinakalkal yung cabinet ko para mamili ng damit na susuotin ko bukas para sa date namin ni Drik.

"Anu ba to! Bat ako kinakabahan ng ganito!" sabay tapon ko sa sarili ko sa kama ko kasi halos dalawang oras ko na ata ginagawa to at wala pa din akong mapili na maisusuot.

Dinampot ko yung cellphone ko sa ulunan ko at naisipang itext si Jaden

Lyka Samontejo: Uy Jaden! Help!

*vibrates

Thank you Lord ang bilis nya magrelpy. Sabay open ko ng message na kakarating lang.

Jaden Desk: Oh bakit? Anu problema?

Lyka Samontejo: Ah. Eh. May date kasi ako bukas at kinakabahan ako kasi di ko alam ang susuotin ko at ngayon na lang ulit ako makikipag date after 2 years. Huhu. Ayoko naman itext yung bestfriend ko hindi nya pa kasi alam na gusto ko yung guy na yun. Help please!

Jaden Desk: Hmmmm. Wear something... Ahhhh... Kung san ka mas kumportable.

Lyka Samontejo: Huh? Kumportable? Eh lahat ata ng damit ko kumportable akong suotin. Panu to?

Jaden Desk: Nako! Kung andyan lang ako nahanapan na kita ng damit na sa tingin ko bagay sayo. Nagtry ka na ba magsukat?

Lyka Samontejo: Magsukat? Hindi pa nga eh. Hindi nga din kasi ako mapakali kasi kinakabahan ako.

Jaden Desk: Hahaha. Sige dadagdagan ko ang kaba mo. Este aalisin natin ang kaba mo.

Lyka Samontejo: Huh? Panu naman?

Jaden Desk: Basta, magsukat ka na ng damit. At humarap ka sa salamin makikita mo... Naman na bagay sayo yung susukatin mo.

Lyka Samontejo: Sige, thanks Jaden kahit ang gulo mo katext. Hehe.

Nilapag ko na yung phone ko sa may kama at bumaling na ulit sa paghahanap na maisusuot. Namili ako ng limang dress na sa tingin ko eh bagay at maganda sakin.

Sinukat ko yung unang dress na orange na may mix ng white. Tumingin ako sa harap ng salamin na kasing laki ng pintuan at pinagmasdan ang kabuuan ko. Paikot-ikot pako habang nakatitig sa may salamin pero parang di maaliwalas sa mata yung dress kasi masyadong daring yung dating kasi kita yung likod.

Bigla ko naisip si Drik na ayaw nyang nagsusuot ako ng sexy. One time kasi umattend kami ng birthday ni Jeether. Parang house party yung theme na American Style yung sinabi nyang gagawin nyang celebration ng birthday nya. Kaya naisipan kong super short na shorts at nagsleeveless ako na sobrang fitted sa katawan.

Excited pa ko pagpunta sa party at pagdating ko dun mas lalong naging masaya sa paningin ko kasi napakadaming tao. At nung nakita ko si Drik nun tuwang-tuwa pa ko at galak na galak pero paglapit nya sakin pinagalitan nya lang ako.

Pinalabas nya ko ng bahay nila Jeether at dumaretcho kami sa kotse nya at kinuha yung jacket na andun at pinasuot nya saakin. At buong gabi ng party, kahit init na init na yung pakiramdam ko eh wala ako nagawa kasi bantay sarado ako sakanya at kahit saan ako magpunta nakabuntot sya o kaya lagi ko lang sya katabi.

Ending di ko na-enjoy yung party at pinagtawanan lang ako nila Kim, Dory, Leona at Betsy na malayang nakiki-pagkwentuhan kung kani-kanino at pumupunta kahit saang sulok ng bahay nila Jeether.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon