by: elsipi-are
Pagkatapos namin maghiwalay ni Jae ng direksyon ay naisipan kong maupo sa foodcourt ng mall.
Napatingin ako sa paligid at bigla akong nakaramdam ng pagkalungkot. Ang daming couple sa paligid at sobrang sweet pa nila sa isa't-isa.
"Hay!" napabuntong-hininga ako ng malalim.
"Asan kaya si Drik ngayon? Ano kaya ginagawa nya?" malungkot na tonong sabi ko sa sarili ko.
Patuloy pa din ako sa pagtingin sa paligid ng biglang mahagip ng paningin ko ang isang lalaki.
"Pati dito sa mall iniimagine ko na sya, grabi!" sigaw ko sa aking isipan.
Pinikit ko ang aking mata para pagkadilat ko ay hindi ko na makita ang imahinasyon ng utak ko. Pero wala din, miski nakapikit ay nakikita ko pa din sya.
"Hay!" napadilat ako at napabuntong-hinga ulit at saka ibinalik ko ang paningin sa direksyon na tinitingnan ko kanina.
"Drik?" nagtataka kong sabi dahil nakikita ko pa din ang gwapong si Drik.
Pinisil-pisil ko ang pisngi ko para matauhan pero ganun pa din ang nakikita ko kaya nataranta ako bigla dahil mukang papalapit sya saakin.
Balak ko sanang magtago ngunit hindi ko na iyon magagawa pa dahil kitang-kita na nya ako at kitang-kita din ng dalawang mata ko ang nakakunot nyang noo.
Hinagilap ko ang cellphone ko at nagpanggap na busy ngunit hindi din ako nakatakas sakanya dahil puro text messages nya ang nadatnan ko sa inbox ko.
Drik Escueta: Goodmorning Baby! Ingat sa byahe.
San ka na baby?
Asan ka ba? magsisimula na yung klase.
Late ka na! Asan ka na?
Hoy ano? Di uso reply?
Baby naman, asan ka na ba? Tulog ka pa siguro.
Nagpuyat ka nanaman nu?
Hey baby!
Lunch na, asan ka na? Kumain ka na ah!
Asan ka? Nag-aalala ako.
Sagutin mo naman mga tawag ko.
Asan ka?
Asan ka ba?
Baby!
Baby?
Baby?
Baby?
Lyka?!
Uy.
Isa-isa kong binasa ang mga text ni Drik simula nung umaga at napangiti ako ng bahagya dahil simula pagkagising nya ay ako agad ang nasa isipan nya. At sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko man lang nagawang tingnan ang cellphone ko para replyan sya.
Nawala ang ngiting kanina ay nasa labi ko. At napansin ko ang pag-upo ng isang lalaki sa may gilid ko.
Napahinto ako sa pagkalkal ng cellphone ko at napatingin sa taong nasa gilid ko.
Nakatingin sya saakin at may lungkot sa kanyang mga mata.
Hindi ko magawang magsalita dahil sa pagkakatitig nya, para nya akong tinutunaw. Kaya ibinalik ko ang atensyon ko sa hawak ko na cellphone at pagkatapos ay nagsalita sya.
"Ano wala ka bang balak na magsalita?" seryosong pagkakasabi nito.
"Hindi mo ba alam na kanina pa kita hinahanap? Nag-aalala na ako sayo."
"Ni di mo man lang magawang magreply sa mga text ko o kaya sagutin man lang yung tawag ko."
"Saan ka ba nagpupunta?"
Sunod-sunod nyang sabi saakin ngunit hindi pa din ako nagsasalita. Nanatili pa din akong tahimik kaya bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"Magsalita ka naman. May nangyari ba sayo?" halata ang pag-alala nya kaya bigla akong nagsalita.
"Walang nangyari sakin. Nag-cut lang ako ng class buong araw. Yun lang." pagkatapos nun ay napatingin ako sa kamay ko na hawak nya.
"Bat ka nag-cut ng class na wala ako. Hindi ka naman ganyan ah. Tska bakit ganyan kinikilos mo ngayon?" at naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko.
"Gusto ko kasing mapag-isa Drik." walang emusyon kong pagkakasabi.
"Kahapon, hinayaan na kitang mag-isa. Pati ba ngayon?" bigla naging malungkot ang boses nya.
"Oo pati ngayon." mahina kong sabi.
"Hindi ba pwedeng dalawa tayong mag-iisip sa problema na yan? Kung bakit sayo nagpaparamdam si Jaden?" napalakas ang pagkakasabi nun ni Drik kaya biglang nagtinginan samin ang mga tao na para bang nag-aantay pa ang mga ito kung mag-aaway kami.
Para makaiwas sa malisyosong titig ng mga tao ay naisipan kong tumayo na sa aking pagkakaupo. Dinampot ko ang bag ko mula sa lamesa at akmang aalis na ng biglang hawakan ni Drik ang mga braso ko.
"Aalis ka? Saan ka pupunta?" sa tono ng boses nya ay malalaman mo agad na galit na ito na ibang-iba sa pagkakakilala ko sa masayahing si Drik.
"Hayaan mo muna ako Drik, gusto kong mapag-isa. Hindi ako makapag-isip ng maayos kapag nasa tabi kita." pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun ay iniwan ko na si Drik sa kinauupuan nya.
Habang naglalakad ay bigla na lamang bumagsak ang aking mga luha. Nalungkot ako sa ginawa ko kay Drik. Pero sa loob ko ay may kung anong nagsasabi na tamang umiwas muna ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.
Nung isang araw lang masaya kami at pagkatapos ngayon ay ganito nanaman, malungkot ulit at umiiyak.
+++
Author's Note:
Tagal kong hindi nag update! hehehe. namiss nyo ako nu?? Masyado po kasi akong busy sa mga bagay-bagay sa mundo kaya nawalan ng onting time kay Watty! but don't worry DeadText Lovers! I'm back and it's for real :*Hi readers! Maiksi ang chapter na ito at dahil dun. Babawi ako sa next update ko. Happy readings! muaaa