by: elsipi-are
Pasado alas-otso na ng gabi at hindi pa din ako nakakauwi sa bahay namin. Ilang oras na din pala akong palakad-lakad dito sa park kaya naisipan kong umupo sa may bangko sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga.
Nakatulala akong nakatingin sa harapan ko kung saan eh may malaking field na halos mabibilang mo lang ang taong nanduon. Tanging poste ng meralco lamang ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran para makita ko kabuuan ng malaking park na ito.
Ang bigat ng pakiramdam ko at ramdam ko na magang maga yung mata ko kakaiyak kaya naisipan kong kunin yung compact mirror ko sa bag ko.
"What the? What happen to my face? Ako ba talaga tong nakikita ko sa salamin o baka naman guni-guni ko lang to? OMG! Ang panget ko na!" sabay hawak ko sa kanang pisngi ko at patuloy pa din sa pagtingin sa salamin na hawak ko.
"Hindi ko na ma-take! Kailangan ko ng umuwi baka may makakita pa sakin. Nakakahiya yung pagmumuka ko ngayon." dali-dali akong tumayo at naglakad habang isinasauli yung compact mirror ko sa bag ko ng bigla akong may nakabangga.
"So..." magsasalita pa lang sana ako ng bigla ding magsalita yung nakabangga ko.
"Lyk? Ikaw ba yan?" may pagtataka nyang sabi.
"Eto na nga ba ang sinasabi ko eh!" mahina kong sabi sabay kamot sa ulo ko. "Ah, ako nga. Oy Betsy ikaw pala yan." mahina kong tugon sakanya.
"Anung nangyari sayo? Bat ganyan itchura mo? Napano ka?" may pag aalala naman nyang sabi habang nakahawak yung magkabila nyang kamay sa magkabila ko ding balikat at niyuyugyog ako.
"Ahh, kasi.... Nakakain ako kanina ng hipon eh alam mo naman allergic ako dun di ba? Kaya ayan namaga muka ko. Wag ka mag-alala gagaling din to." pagsisinungaling ko. Ayoko kasing sabihin sakanya yung totoong dahilan na si Drik ang may kagagawan ng lahat ng ito.
"Ganun ba? Kaw naman talaga. Inatake ka nanaman siguro ng pagiging matakaw mo. Tingnan mo nangyari sayo. Kaloka ka talaga Lyk!" sabay tawa nya.
Habang nagsasalita si Betsy, naramdaman ko bigla na namilog nanaman ang mga luha sa mata ko kaya dali-dali akong umisip ng paraan para makaiwas sakanya at di nya makita ang pag-iyak ko.
"Besty, sige mauna na ko sayo. Magkikita kasi kami ni Mommy ngayon. Sya magsusundo sakin. Iwan na kita ah. Bye!" sabay beso ko sa pisngi nya at nagmamadaling naglakad salungat sa direksyon na pupuntahan nya.
Di pa ko nakakalayo masyado kay Besty ng bigla syang magsalita.
"Lyk! Mag-ingat ka ah. Madadaanan mo pa naman yung school pag-uwi mo. Baka lang di mo pa alam yung kumakalat na may nagmumulto sa campus natin." seryosong tonong sabi nya sakin habang nakatalikod ako sakanya.
Di ko masyado pinansin yung sinabi ni Besty kasi nanunumbalik ulit yung sakit na naramdaman ko kanina habang kausap ko si Drik at sinasabi nya sakin lahat ng masasakit na salita na dahan-dahang sumaksak sa puso ko.
"Sige bye Lyk! Wag mo sana makasalubong si Jaden." sabay bigla nanaman syang tumawa na nakakaloko. Alam kong inaasar nya ako kasi matatakutin ako pero walang effect sakin lahat ng yun ngayon.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko ng maalala ko yung sinabi ni Besty.
"Di ko alam kung matatawa ba ako o maiinis o matatakot kasi Jaden ang pangalan nung sinasabi ni Betsy. Tsk. Kapangalan na nga ng textmate ko, kapangalan pa ng bestfriend ni Drik na namatay. Hay. Anu ba yan, si Drik nanaman naalala ko." matamlay na pagkakasabi ko.
Malungkot at sobrang sakit sakin dahil ilang oras pa lamang ang nakakalipas simula ng mangyari iyon. Kung baga fresh na fresh pa sya sa puso ko kaya damang-dama ko pa. Pero alam kong makakaya ko din to at makakalimutan paglipas ng araw.