Chapter 12 - Pain & Lies

439 23 5
                                    

by: elsipi-are

Isang linggo na din ang nakalipas simula nung ipakilala ako ni Drik sa mga kaibigan nya. At pagkatapos ng araw na yun mas naging close pa kaming dalawa at mas lalo syang naging sweet sakin.

Masaya ako sa mga nangyayari, sobrang saya! Umaapaw sa kaligayan at busog na busog sa pagmamahal ang nararamdaman ng puso ko.

Sa totoo lang ayoko na nga matapos ang lahat ng ito, pero alam ko na lahat ng bagay ay may hangganan, may katapusan at walang panghabang buhay. At siguro kung panaginip lang to ayoko ng magising pa at hahayaan ko na lamang na angkinin ako ng isang magandang panaginip. Pero nagising na lang ako bigla kasi ginising ako ni Drik sa mahimbing na pagkakatulog ko at hindi ko inaakala na isang bangungot na pala ang hatid nito saakin.

Nagtataka lang ako kasi bakit yung hangganan na yun dumating agad ng hindi ko man lang namamalayan, parang ang bilis, sobrang bilis at bakit hindi ko man lang naisip na isa na pala syang bangungot na aking kinakatakutan. Masakit pala at parang nadudurog ang puso ko sa mga nangyayari.

Sa isang iglap lang bigla na lamang nag-iba ang ikot ng mundo at hindi ko maintindihan kung bakit ngayon pa, kung kelan sobrang saya ko na at nahuhulog na ako sakanya ng sobra.

Ang gulo.

Masakit.

Totoo ba to?

Hindi ko maintindihan.

Bakit ganito?

Pagnakikita ko sya iniiwasan nya ko. Di ko tuloy alam kung binibiro nya lang ba ako. Dati kasi katabi ko sya lagi sa lahat ng subjects pero ngayon lagi syang nakalayo sakin. Nagtataka ako.

Pagtatanungin ko sya hindi nya ko sinasagot, yun bang bigla sya magrarason na may gagawin sya o kaya may balak na puntahan. Napapaisip tuloy ako kung bakit naging ganun sya bigla.

At pagtinetext ko naman dedma lang sya na miski tawang reply wala man lang akong natatanggap.

Alam mu yun? Yung parang bigla na lamang bumaligtad at nag-iba ang lahat na para na syang nandidiri sakin na miski titigan ako eh hindi nya magawa.

Ayoko ng ganito kasi nasasaktan ako. At ayoko nang pinaggagawa nya kasi hindi ako sanay na ganito kami o ganyan ang trato nya saakin. Masakit kasi hindi ko alam ang pinagmulan ng lahat ng ito.

--0-0---

Patapos na ang last subject namin na kung saan ay classmate ko din si Drik. Napag-isipan ko na kausapin sya kung anu bang problema nya at kung bakit nagkakaganyan sya. Hindi ko na kasi kaya na ginaganito nya ko.

Pansinin nya man ako o hindi, pagtabuyan at iwasan ulit hindi na sya uubra sakin, papalag na talaga ako sakanya. Basta gagawin ko ang lahat magkausap lang kaming dalawa.

Nagmamadali akong ayusin yung mga gamit ko nang makita ko sya na papalabas pa lamang ng pinto ng classroom namin.

Sinundan ko sya agad at tinawag pero hindi nya ako nililingon. At mas lalo nya pang binilisan ang paglalakad nya na para bang nagmamadali ng marinig nya ang boses ko. Kaya naman ang ginawa ko, binilisan ko din ang paglakad ko para maabutan sya.

Nakita ko pang nagtitinginan yung ibang estudyante saming dalawa at biglang magbubulungan na sobrang halata naman na Ako at si Drik ang pinag-uusapan. Yung iba pa nga bulgaran pa ang pagsasalita at mas lalo pa nila nilakasan ng mapadaan ako sakanila.

Sabi pa nga, "Mukang L.Q ata sila ah! Nako chance ko na siguro to para magpacute kay Prince Drik"

"Nako! Wag ka ngang Fil-Am dyan! Filingerang Ambisyoso ka! Sigurado naman na ako ang magugustuhan nya."

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon