Chapter 3 - Jaden Smith

611 34 15
                                    

by: elsipi-are

"Ate isa pong order nun, neto, at saka nyan" isa-isa kong turo sa mga pagkaing inorder ko.

"Tska yung sa ice cream po maya-maya nyo na po dalhin sasabihan ko na lang kayo. Thanks. Dun yung table namin sa dulo" sabay turo ko kung saan kami naka-pwesto.

Ang lakas ng loob kong umorder ng madami, alam ko naman kasi di naman ako ang magbabayad kundi si Drik.

Di naman ako selfish na puro pang sarili ko lang yung pina-libre ko sakanya. Syempre dinamihan ko na din para na rin kay Kim at sa iba na kanina pa nag-aantay saamin ni Drik.

Pagkadating sa lamesa namin ay umupo kami ni Drik sa dalawang bakanteng upuan sa pagitan ni Kim at Betsy na katapat ni Leona, Dory, Red at Jeether.

Mga ilang minuto pa ay dumating na yung mga inorder ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkatakam kasi halos lahat ng putahe ay puro mga favorite ko.

"Lafang na!"sabay sabi ko sakanila habang sinisimulan ko nang maglagay ng kanin sa pinggan ko.

"Totoo ba to? Ang Prinsipe ng buong campus nanlibre ng ganito kadami? Aba! Magpapamisa ako" kantyaw ni Jeether na halata ding takam na takam na sa mga nakahain sa lamesa.

"Kelan ba ko nagtipid sainyo at kelan ako hindi nanlibre? Napakaganlante ko naman di ba? Para namang hindi nyo alam." pagyayabang ni Drik sa sinabi ni Jeether.

"Buddy wag nating lokohin pa ang mga sarili natin at kumain ka na lang." sabay tapik ni Jeether sa balikat ni Drik.

"Nagsalita ang hindi kuripot. Kung tutuusin nga Jeether ikaw ang pinakakuripot dito na parang lalagnatin ata pag nanglibre." sabat naman ni Leona

"Leona, mas maganda ng kuripot kaysa naman sobrang gastusera na tulad mo. Tama ba ako?" pagpapaliwanag ni Jeether na sya namang pagtango ni Drik at Red na pagsang-ayon sa sinabi nya.

"Alam nyo kung ako sainyo. Titigil na ako kakadaldal kasi mukang gutom na gutom ata yung kasama nating isa dyan." sabay sabi naman ni Dory at turo nya sa gawi ko.

Napatigil ako sa pagsubo ng kanin ng mapansib ko na lahat sila ay nakatingin sakin. "Bakit ngayon lang ba kayo nakakita ng babaeng malakas kumain? Sinusulit ko lang libre ni Drik to eh. Once in a blue moon lang mangyari to. Kaya please lang kumain na kayo" sabay subo ko agad ng kanin sa bibig ko pagkatapos magsalita.

After 1 hour...

"Grabi nakakabusog! Sana laging ganito na nanglilibre tong baliw na to" nakangiti kong sabi habang hinihimas himas yung tyan kong busog na busog.

"Baby, basta ikaw kahit araw araw ko pa gawin yan" malambing na sabi ni Drik habang nakatingin sakin kasi nasa tabi ko lang sya.

"Buddy iba na yan ah. Pero gusto ko yan. Basta ba lagi kami kasama sa malilibre mo mas masaya di ba?" sabat ni Jeether. Eto kasing si Jeether ang pinaka-alaskador saming lahat.

"Tsk, baka naman kayo pa magkatuluyan nyan at magkatotoo nga yung nababalitang chismis dito sa school na magkarelasyon talaga kayong dalawa" sabi naman ni Besty na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Ako nga tigilan nyo. Close lang talaga kami neto ni Drik. Tska wag nyo nga bigyan ng malisya ang lahat." pagpapaliwanang ko naman sakanila.

Si Drik naman biglang umakbay sakin tapus sabay sabing, "Oo nga, ganito talaga kami magmahalan neto ni Kamote. Sabi nga nila blood is thicker than the water"

"So anu naman konek nun?" tanong ni Dory.

"Na...

Na parang magkapatid na kami neto. Ako at si Lyka" sabi ni Drik habang pinipisil-pisil nya pa yung balikat ko habang nakaakbay sya sakin.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon