by: elsipi-are
Note:
Hi mga Babys! Bonus Chapter ko lang ito. Actually namiss ko kasi si Drik kaya ganun. Hehehe.May Good News ako. Pipilitin ko ng mag updates every week kahit bonggang busy ako. As in pipilitin ko . Natutuwa kasi ako dahil ang daming nag aadd ng Dead Text sa RL nila at may mga bago din akong mga readers. Hindi ko na kayo i-mention ang hirap phone kasi gamit ko ngaun. Basta super thanks sainyo. Mahal na mahal ko kayo at ipapangako ko na papagandahin ko pa sya sa abot ng aking makakaya. Kaya sana suportahan nyo ang story ko hanggang ending.
More Powers sainyong lahat.
Happy readings! muaa!(Lyka's P.O.V)
Habang naglalakad ako papunta sa gate ng school ay kitang-kita ko ang abot batok na pagkakangiti ni Drik.
Sobrang aliwalas tingnan ng mukha nya at hindi ko na ata kailangan pang tanungin kung masaya ba sya.
Kasi napaka-OBVIOUS naman, sabi ko nga diba? Abot batok yung ngiti nya tapus yung mga mata parang mga diamonds na kumikinang-kinang at pinagsisigawang masaya ako.
Natatawa ako sa pagka-O.A ng reaction nya.
O.a nga ba O na-aabnormal lang ako kasi ang gwapo nya lalo na pagnakangiti sya.
Di ko ba alam bakit hanggang ngayon hindi pa din ako sanay sa ka-gwapuhan nya.
Hay Nako! Buti na lang at ako lamang ang nakakarinig ng mga sinasabi ng utak ko.
Kasi kung nagkataon, magyayabang nanaman yun sakin at kikiligin nanaman ako sakanya.
Hindi pa ako nakakalapit sakanya ay sinalubong na agad nya ako.
Saktong nasa gate na ako ng magkita na kami ng harapan at lalo ko nakita ang kagwapuhan nya.
"Tara na." sabay hila nya saakin habang hawak-hawak nya ang kamay ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti pero bago pa nya ako makita sa ganung sitwasyon ay agad akong nagsalita.
"Talagang nag-abala ka pa na sunduin ako dito." seryoso ang tonong pagkakasabi ko nun para hindi nya mahalata ang kilig na pilit kong itinatago.
"Syempre naman!" napaka-hyper nyang sagot at pagkatapos nun ay nahinto sya sa paglalakad at humarap saakin.
"Ayaw mo ba?"
Sa tono ng pagkakasabi nya at sa reaksyon ng mukha nya ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Napatitig ako sa kamay ko na hawak-hawak nya at bigla na lamang ako nawala sa sarili ko.
Nagulat ako sa kasunod na ginawa ko at parang gusto ko na lamang maglaho sa mga oras na iyon. Di dahil sa ayoko sya makita kundi dahil sa nakakahiyang ginawa ko.
Nanatili pa din ako sa ganung posisyon.
Magkahawak ang kamay namin. Nakadikit ako ng malapit sakanya at sobrang higpit ng pagkakayakap ko sakanya kahit isang braso lamang ang gamit ko.
Tingin ko namumula na ako sa kahihiyan kaya di ko magawang umalis sa posisyong ganun.
"Bakit sobrang sarap sa pakiramdam pag ikaw ang gumagawa sakin nyan?" napataas ang kilay ko sa sinabi nya at nagkaron ako ng lakas ng loob para bumitaw sakanya.
"Bakit madami bang yumayakap sayo? Madami bang gumagawa nito sayo?" pagtataray ko.
Hindi ko alam bakit nawala bigla ang hiya ko at napalitan ito ng onting pagkainis.
Inantay ko ang sagot nya sa tanong ko pero seryoso lang ang mukha nya at pagkatapos nun ay dahan-dahan syang ngumiti.
"Bat ngumingiti ka? Nakakatawa ba yung sinabi ko?" pagtataray ko pa din.
Sa halip na sagutin ako ay agad nya akong hinila pabalik sa bisig nya at niyakap ako ng pagkahigpit.
"Alam mo nakakatuwa ka talaga. Lagi mo ko pinapangiti, lagi ako masaya.
Wag ka mag-alala.
Ikaw lang gumagawa sakin ng ganito." napangiti ako sa mga narinig ko mula sakanya at kinilig akong lalo sa mga sunod nya pang sinabi.
"Sayo lang ako magpapayakap." umalingaw-ngaw sa tenga ko ang mga katagang sinabi nya.
"Aba swerte naman nila. Kay Kamote lang tong sexy body ko nu.
Kaya baby, promise mo akin ka lang ah."
Hindi ko alam pero kusang tumango yung ulo ko na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon sa sinabi nya.
"Good." sabay kalas nya sa pagkakayakap sakin.
"So, Tayo na?" nagulat ako sa sinabi nya.
"Tayo na?" pag-uulit ko na halatang gulat pa din.
Unti-unti nyang inilapit ang muka nya saakin at muling nagsalita.
"Sabi ko tayo, Ikaw, Ako" mahina nyang tugon.
"Tayo?" mahina ko namang sagot.
"Oo baby.
Tayo na." sabay ngiti nya.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi sa mga sinabi nya. Nakakatitig lamang ako sakanya at sinusubukan kong basahin ang isipan nya pero hindi ko magawa.
"Tara na, tayo na, alis na tayo" napakamot ako sa ulo sa narinig ko.
"Ano? Yan ba ibig mo sabihin?" natawa na lamang ako at nauna ng naglakad sakanya.
"Asan ba kotse mo? Bilisan mo maglakad ang bagal mo eh." at binilisan ko lalo ang paglalakad ko para hindi nya ako maabutan.
A/N: Comments and Vote Please. Please. Please.
God Bless!