by: elsipi-are
Natapos ang buong araw na hindi ko nagawang tingnan ang cellphone ko.
Nararamdaman kong kanina pa ito nag-vi-vibrate pero hindi ko ito iniintindi.
Mag-gagabi na din at nakakaramdaman nanaman ako ng takot at pangamba.
Kasalukuyang nasa Dr building ako nun at papunta sa faculty room nung professor namin sa History.
"Bakit kasi nakalimutan ko pa magpapirma eh. Mag aalasais na oh." nag-aalala kong sabi habang nagmamadaling pumanik sa hagdanan papunta sa faculty room.
Pagkarating ko doon ay napabuntong hininga ako dahil sa haba ng pila na nasa labas ng pinto.
"Don't tell me pila yun para sa History?" sabay hawak ko sa ulo ko.
Nang marating ko ang pila ay nagtanong ako sa isang estudyante na andoon.
"Excuse me, ito ba yung pila sa History?" tanong ko dun sa taong nasa hulihan ng pila.
Nang tumango sya sa tanong ko ay napakamot ako ng ulo at napabuntong hininga ng malalim.
"Kung mamalasin ka nga naman oh. Mukang ako pa ata ang pinakahuli sa lahat." sabay upo ko sa may bakanteng upuan na nasa tabi ko.
Paglipas ng ilang minuto...
CRING!!!!
Narinig ko ang maingay na tunog ng bell na nagpapahiwatig na isasara na ang main gate sa building at mapipilitan akong dumaan doon sa dulong gate kung saan ay madadaanan ko ang history room namin.
Nakatingin lamang ako sa hawak ko na papel ng biglang may kumalabit saakin.
"Miss ikaw na yung sunod." nasambit nung taong tingin ko ay yung pinagtanungan ko kanina.
"Ah, Thank you." sabay ngiti ko sakanya at dali-daling pumasok sa loob ng faculty room.
Nasa may dulo yung table nung prof namin kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sakanya.
Pagkarating dun ay agad akong naupo sa may silya sa harap nito at iniabot ang hawak ko na papel sakanya.
Agad naman nya itong pinirmahan at pagkatapos nun ay nagtanong sya saakin.
"Ms. Samontejo, ikaw na ba ang pinakahuli sa pila?" mahina nyang tanong saakin.
"Opo Sir." magalang ko namang sagot sakanya at pagkatapos ay nagsalita akong muli.
"Sir, may gusto lang ho sana akong itanong sainyo.?"
"Ano iyon iha?" sabay hawak nya sa salamin na suot nya.
"Naging estudyante nyo po dati si Jaden Smith di ba?" pagkarinig nya nung tanong ko sakanya ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Si Jaden..." halos pabulong nyang sabi.
"Sir, panu po kung sabihin ko na...
Na nakakausap ko sya.
Na nagpaparamdam sya saakin." agad nabaling ang atensyon ng prof ko saakin at nakita ko na tinititigan nya ng mabuti ang mga mata ko na wari ay binabasa kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
"Iha..." maikli nyang tugon sa sinabi ko.
"Sir, totoo po yung sinasabi ko.
Hindi ko nga po alam kung bakit ako." may pag-aalalang tonong sabi ko sakanya.
"Iha, malabong mangyari yang sinasabi mo." sa tono ng pagkakasabi nya nun ay para bang hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Pero Sir..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla ulit syang magsalita.