Chapter 14 - Dying Promise

346 17 8
                                    

by: elsipi-are

Note: Hi ginawa ko tong chapter na to para sa mas lalo nating maintindihan ang Love Story at past ni Jaden at Lyka. Dito din marereveal ang nangyari sakanila after ng meet up nila sa Cafe na nabanggit ko sa Chapter 6. Happy Readings! ♥

(Lyka's POV)

"Hi... Kanina ka pa ba dyan? Sorry na-late ako ah. Traffic kasi eh." medyo habul hininga kong sabi kay Jaden.

"Huh? Kakarating ko lang din. Sana di ka na nagmadali. Ayan tuloy, hingal na hingal ka tuloy." sabay gulo nya sa buhok ko.

"Hehe. 6 months na kasi natin to kaya nakakahiya na ma-late ako. So, sana na tayo pupunta?" sabay hawak ko sa mga braso nya.

"Ahmmmm. Kaen muna tayo then after nun punta na tayo dun sa sinasabi ko. Okay ba yun Fey?" tumango lang ako sa sinabi nya at pagkatapos eh napangiti ako kasi natutuwa sya sa tuwing sinasabihan nya ako ng Fey. (Sa mga hindi po nakakaalam. Ang ibig sabihin po ng FEY ay ForEverYours)

Naglalakad na kami, HHWW pa nga (Holding hands while walking). Hindi ko alam bakit panay ang ngiti ko. Siguro masyado lang ako masaya sa araw na ito. At kahit masyado naging mabilis ang pagkakakilala namin noon ay alam kong hindi naman kami tatagal ng 6 months kung di namin mahal ang isa't-isa.

Oo, aminado ako na after nung meet up namin sa cafe naramdaman ko na may gusto sya sakin at kung di naman nya ko kinulit eh siguro wala ako ngayon sa tabi nya at hindi ko mararanasan ulit ang ganito kasarap na pakiramdam.

Gusto ko na mag-enjoy lang kami sa date namin na to kaya ang sabi ko sakanya eh kahit anu na lang ang kainin namin.

Pumunta kami sa foodcourt at duon eh pinupo nya ako. Nilibot ko yung mata ko sa mga katabing upuan habang nag-aantay kay Jaden. Halatang marami ding magka-date ang dito na lang naisipang kumain sa foodcourt.

Mga ilang minuto pa, napansin ko na medyo matagal ng wala si Jaden. Pagkatingin ko sa orasan ko, halos 10 minutes na simula nung iwan nya ko at paupuin dito sa upuan.

Maya maya pa, nakita ko na sya na dala-dala ang isang tray na puro pagkain ang laman.

"Fey... Kala ko iniwan mo na ako eh. Anu ba yang binili mo?"

Pagkalapag nya nung tray sa lamesa namin eh nagulat ako sa dami ng pinamili nya at hindi lang isang trey kasi may kasunod pala sya na lalaki at puno din ng pagkain yung bitbit nung isang lalaki.

"Eto na request mo. Ang mag-enjoy habang kumakaen. Tara kaen na tayo?" sabay upo nya sa tabi ko.

"Sampung pirasong kwek-kwek, isang bowl ng pinaghalong chickenballs, fishball at kikiam, dalawang cheese burger na three layer, Takuyaki, Frech Fries, Spag ng Jollibee, Isang dosenang siomai, yung favorite ko na kainin na goto with egg, dalawang siopao at tatlong donut. Woahhhh! Papatayin mu ba ako sa kabusugan Mr.Jaden Smith?"

"Di naman Fey, di ko kasi alam oorderin ko kaya lahat ng alam ko na trip mong kainin binili ko na. May kulang pa ba? Baka may nakalimutan ako para mabili ko na." tatayo na sana sya ng pigilan ko sya.

"Anu ka ba. Wala ng kulang, hmmmm teka meron pa pala. Ikaw! Ikaw na lang ang kulang kaya kumaen na tayo. Okay na po ba?"paglalambing ko sakanya.

Sa totoo lang, simula nung naging kami ni Jaden palagi na lang ako nasusurprise sa lahat ng pinaggagawa nya. Hindi ko alam kung pinaplano nya ba lahat ng iyon o sadyang natural na sakanya ang ganun.

Nakakatuwa din na palaging sobra-sobra ang binibigay nya sakin. Di lang sa materyal na bagay kundi sa atensyon na nakakapagpataba lalo sa puso ko. Kaya nga lahat ng ginagawa nya sakin eh sinusuklian ko din, at ayoko na isipin nya na sya lang ang nag-eeffort saming dalawa. Gusto ko na pantay lang kaming dalawa sa pagmamahal sa isa't-isa.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon