by: elsipi-are
Dalawang linggo ang lumipas mula nang magtagpo ulit ang landas namin ni Jaden. Palagi ko na din syang nakakasama at lagi syang nasa tabi ko. Tanggap ko ang kalagayan namin ngayon at mas natutuwa nga ako dahil kahit saan ako magpunta ay kasama ko sya.
Habang nagkklase kami ay nakaupo din sya sa isa sa mga upuan doon na akala mo ay isa ding estudyante. Kapag nasa cafeteria ako ay kasama ko din syang kumakain at maging sa library ay sinasamahan nya ako palagi. Kahit sa mismong kwarto ko at sa buong bahay namin ay malaya ko syang nakakasama na hindi nangangamba pa na mapagalitan ako ni mommy.
Ako lamang ang nakakakita sakanya at kahit sa ganun lamang na kalagayan namin ay sobrang saya ko na.
Kasalukuyan akong nanunuod ng tv sa kwarto ko ng pumasok si Jaden. Kanina pa nakabukas ang pinto ko at inaantay ko talaga sya na pumanik na kanina pa. Napag-usapan na din naming dalawa na ayokong nagpapakita sya ng mga kakaibang bagay na di nagagawa ng normal na tao. Ang gusto ko ay mamuhay kaming dalawa na parang normal na magkasintahan.
Pagkaupo nya sa kama ko ay sya namang pagtayo ko at paglock ng pinto ng kwarto ko. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama ko at kasunod nun ay ang paghinga nya sa may unan sa hita ko.
"So hows school?" malambing pa pagkakasabi nito saakin habang pisil-pisil ang kamay ko.
"Normal na araw lang kasi wala ka ngayon dun." pagtatampo ko kasi ngayon araw na to lamang sya hindi sumama sakin sa pagpasok ko.
"What's with that face?" sabay pisil naman sya sa pisngi ko at mas lalong humaba ang pagkakanguso ko.
"Nagtatampo lang ako kasi ano..." bigla akong naputol sa pagsasalita ko ng magsalita sya.
"I saw Drik right after you leave." may pagkaseryosong tono na sabi nya.
Napatigil naman ako sa panunuod ko dahil sa mga binitawan nyang salita at biglang napatanong sakanya.
"Oh ano daw ginagawa nya dito? Ano sabi nya sayo?" pagkasabi ko nun ay itinayo nya ang katawan nya mula sa pagkakahiga at umupo na lamang sa tabi. Inagaw nya sakin yun remote na hindi ko alam na kanina ko pa pala pinaglalaruan.
"I don't know, maybe he didn't see me. And I think he's just checkin on you." casual na pagkakasabi nito.
"Bat naman nya gagawin yun?" pagmamaang-maangan ko.
"Fye you don't have to lie." napakunot-noo ako sa sinabing nyang iyon.
"I know he loves you. I heard it and he confess everything to me." nanlaki ang mga mata ko sa kasunod nyang sinabi.
"I was there Lyka, all the time na umiiyak sya sa harap ng puntod ko or even pag masaya sya sayo. Andun ako palagi at naririnig ko sya." seryoso pa din ang tono nito.
"Hindi mo kailangang sabihin yan Jaden. Ikaw ang mahal ko." at tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko ba alam kung bakit parang may kirot dito sa puso ko habang sinasabi ni Jaden saakin lahat ng iyon.
Naramdaman ko ang pagharap nya sakin at ang paghawak nya sa magkabila kong balikat. Kasunod nun ay ang pagpunas nya sa luha ko na kanina pa umaagos.
"Look Lyka, listen to me okay? Hindi ako galit na nagkamabutihan kayo ng bestfriend ko. Masaya pa nga ako kasi alam ko na your in a good hands. I know Drik so well, he's my friend. At alam ko na pag dumating na yung araw na tuluyan nakong mawawala di ko na kailangan pang mangamba sayo. Kasi alam ko na may mag-aalaga sayo tulad ng pag-aala na ginagawa ko. Iwan man ulit kita ay alam kong kayang higitan ni Drik lahat ng mga nagawa ko sayo. Kaya kunin man na ako ngayon ng nasa itaas ay masaya akong aakyat sa langit kasi alam ko na sasaya ka sa piling nya." sa sinabi nyang iyon ay lalo akong napahagulgol.