Chapter 37 - New Chapter

35 0 0
                                    

by: elsipi-are

Isang buwan na din ang lumipas mula ng pag-uusap naming iyon ni Jaden. At isang buwan na ding hindi sya nagpapakita. Ayoko mang tanggapin ngunit alam ko sa sarili ko na tuluyan na nga syang nawala at ang pag-uusap na iyon ang pagpapaalam nya saakin.

Masakit saakin ngunit tama sya na iyon ang nararapat dahil wala ngang patutunguhan ang relasyon naming iyon.

At isang buwan din ang lumipas at palagi akong dinadalaw ni Drik sa silid ko. Dinadalhan nya ako palagi ng pagkain at nakikipag-kwentuhan sya saakin ng madalas. Alam ko na alam nya ang mga kaganapan saakin at sa kaibigan nya. Ngunit mas pinili nyang manahimik at huwag na iyon ungkatin pa. At dahil sa ginagawang iyon ni Drik ay muling nabuhayan at sumasaya ang puso ko.

"Tama nga sya, na ikaw ang magpapasaya sakin." nakangiti kong pagkakasabi at kasunod nun ay ang paglingon nya mula sa gilid ko.

"May sinasabi ka ba Lyka?" nakangiti nyang tanong saakin habang hawak-hawak ang remote ng t.v ko.

Tumango lamang ako kasunod nun ay ang pagtayo nya mula sa pagkakaupo sa kama ko.

"Sya nga pala Lyka, susunduin kita mamayang ala-sais, meron tayong pupuntahang dalawa." nakangiti nyang pagkakasabi.

"Oh san naman?" nakangiti ko namang tugon.

"Basta, wag ka na magtanong. Magdala ka ng jacket mo okay?" tumango lamang ako sa sinabi nyang iyon at pagkatapos ay nilasan na nya ang silid ko.

Wala pa mang isang oras mula ng umalis si Drik ay namili na agad ako na susuotin ko para mamaya. Hindi ko alam bakit sa pagkakataong ito ay kinakabahan ako at hindi ako makapili na susuotin ko.

Isang buwan na din kasi nya akong inaayang lumabas at halos araw-araw iyon. Napuntahan na ata namin ang lahat ng mall dito sa lugar namin at maging sa mga kalapit nito dahil sa tuwing aayain nya ako eh sa ganun kami nagpupunta. At tuwing araw naman ng linggo ay kasama namin sya ng mommy ko na magsimba kaya halos walang araw na hindi ko sya nakakasama at nakikita.

Matapos ang tatlong oras ay nakapili na din ako ng susuotin para sa gabing iyon. Isang peach na bohemian dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba ang napili ko na tinernohan ko ng itim na cardian at peach na heels na hindi naman ganun kataasan.

Nang matapos na ako sa pagligo at pag-aayos ng sarili ko ay narinig ko ang pagkatok mula pinto ng kwarto ko. Narinig ko ang tinig ng mommy ko at pagkatapos noon ay niluwa na sya ng pintuan at nakangiting nakatitig saakin.

"Sinong lalaki ang hindi mapapatingin sa ganda mong yan anak. Perfect talaga ang pagkakagawa namin sayo ng daddy mo. At manang-mana ka talaga saakin." napangiti ako sa sinabi nyang iyon at ako naman ay napayakap sakanya ng di-oras.

"Thank you mommy, nasabi ko na ba sayo na mahal na mahal kita?" sabay halik ko sa pisngi nya.

"Hindi mo kailangan sabihin yan dahil alam ko naman na yun." pagtapos ang hinawakan nya ang kamay ko.

"Thank you din mommy kasi hindi mo ko pinabayan at hindi mo hinayaang masaktan ako ng sobra-sobra." akmang tutulo na sana ang luha ko ng biglang sumabat ang mommy ko.

"Ano ka bang bata ka, ang ganda ganda na ng ayos mo tas nagddrama ka pa dyan. Pumunta talaga ko dito para sabihing andyan na si Drik sa baba." may panunuksong nakatitig sya saakin.

"Basta love na love kita mommy." sabay halik ko ulit sa pisngi nya.

"Halika na nga at inaantay ka na ng date mo sa baba." pang-aasar nya at sabay naming nilasan ang silid ko.

Nang makita ko si Drik ay lalo akong namangha sakanya at may kung anong kaba akong naramdaman.

Bukod kasi sa sobrang gwapo nya ay ito ang unang beses na lalabas kami ng ganitong oras. Hindi sa madumi ang iniisip ko ngunit alam ko kasi na may kakaibang mangyayari at alam kong espesyal yoon at natatangi sa ibang paglabas namin.

Isang matamis na ngiti ang ginawad ko sakanya at sya naman ay parang nagandahan saakin base sa pagkabuka ng bunganga nya.

Gusto ko na nga sana matawa sa naging reaksyon nya ngunit pinigilan ko ang sarili ko at pinanindigan ang pag papacute sakanya.

"Ang pogi natin ngayon ah!" sabay tusok ko sa tagiliran nya.

"Di naman, thank you" mahina nitong tugon sa sinabi ko na para bang nahihiya.

Nang matapos na kami magpaalam sa mommy ko ay inakay na ako ni Drik papunta sa kotse nya. Hindi ko nga alam kung bakit parang sobrang pormal nito ngayon at para bang hindi sya yung Drik na kaasaran ko palagi. Dahil tuloy sa mga kilos nyang iyon ay mas lalo akong kinabahan sa mga mangyayari mamaya.

Pagkapasok namin ng kotse ni Drik ay namayani ang katahimikan. Sobrang nakakabingi pero kahit gusto ko mag ingay ay walang tinig na lumalabas mula sa bibig ko. Hindi ko alam bakit parang bigla ko ding nalunok ang dila ko sa mga pagkakataong ito.

Napatingin ako sakanya na nakahawak lamang sa manubela at nakatingin sa may harapan. Ni di pa nga nito binubuhay ang makina ng kotse nya kaya sobra talagang tahimik.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ng hindi ko na natiis pa at magsasalita na sana ako ngunit bigla syang nagsalita.

"You look gorgeous...

I mean, beautiful.

Very  Beautiful" seryosong tono nito.

Sa sinabi nyang iyon ay para bang mas lalo akong nabingi. At bigla na lamang nag init ang mga pisngi ko. Naalala ko din kasi na ganun din yung eksaktong sinabi nya sakin dati sa una naming date.

"My gosh! Namumula ba ko?" bulong ko sa sarili ko matapos maramdaman ang pag init ng pisngi ko.

"Oh my, Lyka mag isip ka ano next gagawin mo para mawala yung awkward moment." tarantang pakikipag usap ko sa sarili ko.

At para mawala ang ilang sa pagitan naming dalawa na sinimulan ni Drik kanina pa ay bigla akong nagsalita tugon sa pagpupuri nya saakin.

"Ngayon lang ako maganda? Grabe ka talaga sakin Kamote ka!" sa sinabi kong iyon ay bigla na lamang akong nakahinga ng maluwag at sabay nun ay tumawa ako ng malakas.

Napatingin naman si Drik sakin na para bang bigla na syang natauhan at nabalik na sa dati nitong pag uugali.

"Syempre naman matagal ka ng maganda, mas maganda ka nga lang ngayon. Oh ano? Okay na ba pang uuto ko?" kasabay nun ay ang pagtawa nya din.

Hindi ko tuloy alam kung mas gusto ko na ata yung kanina na tahimik sya. Para hindi na nya ako maasar pa.

"Sapak gusto mo?" sabay lahad ko sakanya ng kamao ko.

"Maiba tayo, san ba tayo pupunta?" mausisa kong tanong.

"Basta magugustuhan mo yun." sabay ngiti nito at pinaharurot na ang kotse nya.

+++++

AN: Meron na lang po tayong 3 chapters na natitira. So, onting kembot na lang at makakahinga nako ng maluwag. At ngayon pa lang din magpapasalamat nako sa mga sumusoporta sa Dead Text ko. Super thank you sainyo at effort nyo na basahin ang story ko. Ayun lang po. Pa vote and comment na lang po sa mga gusto. Thank you guys!

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon