Chapter 29 -Fears

67 2 1
                                        

by: elsipi-are

Pagkauwi ng bahay namin ay dumaretso agad ako sa loob ng kwarto ko. Mabigat ang loob at luhaan kaya isinubsob ko ang aking mukha sa malambot kong unan.

Nang tumigil na ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata ay iginilid ko ang aking katawan at marahang tumitig sa labas ng bintana.

Nakita ko ang madilim na kalangitan at ang mga bituin na sobrang dami. Napatayo ako para puntahan ang kinaroroonan ng bintana ng biglang may nalaglag na isang bagay na nagmula sa aking katawan.

Napatingin ako sa sahig at nakita ko ang Usb na binagay sakin ni Kevin. Naalala ko na inilagay ko pala iyon sa bulsa ng palda ko kanina.

Marahan ko itong iniabot at pagkatapos ay kinuha ko ang laptop ko mula sa aking bag. Huminga ako ng malalim at pinilit kong palakasin ang aking dibdib para sa kung anong bagay na malalaman ko mula sa Usb na ito.

Pagkasaksak ko ng bagay na iyon ay lumabas sa screen ng aking laptop ang pangalang fey.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko alam ang ibig sabahin ng salitang iyon. Pwedeng pangalan ito ng tao at pwede ding hindi. Kaya binuksan ko ang folder na iyon.

"ForEver Yours" binasa ko ang nakalagay doon sa folder. At ng buksan ko ito ay samu't saring notes ang andoon.

Naramdaman ko ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Napalunok ako at pagkatapos ay nagsimula ng magbasa.

(See Chapter 6, 14, flashback on this chapter and Chapter 19)

Flashback...
(Lyka's POV)

"Kelan ko ba makikilala yung mga bestfriends mo Fey?" malambing na pagkakasabi ko sa pinakamamahal ko na boyfriend.

"Hindi ko din sigurado alam kung kelan eh. Masyado kasing busy ang mga yun.

Si Brent at Kevin magkasama sa ibang bansa nag-aaral. Si Drik naman, mahirap din mahagilap kasi sya yung tumutulong sa mommy nya sa pagpapatakbo ng business nila. Sa totoo lang, miss ko na nga yung mga lokong yun eh. Ilang buwan na kaming walang contact." at hinaplos haplos ko ang likod nya.

"Ganun? Sige, aantayin ko na lang yung time pag di na sila busy." sabay ngiti ko sakanya.

"By the way Fey, gusto ka na palang makilala ni Mommy." pag-iiba ko ng mood sa pagitan naming dalawa.

"Talaga?" napahawak ng di-oras si Jaden sa dalawang kamay ko dahil sa sinabi ko sakanya.

"Yes, excited na nga ako na ma-meet mo si Mommy." pagkasabi ko nun ay ginawaran nya ako ng halik sa noo na ikinagulat ko naman.

"Para san yun?" pag mamaang-maangan ko.

"Pasalamat tska masaya lang ako." at sa pagkakataong ito ay niyakap naman nya ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mapaghandaan ang pagpunta ni Jaden sa aming bahay.

Pagkadilat palang daw ng mata ni mommy ay nagpamalengke na sya sa aming mga kasama sa bahay at sya pa mismo ang  nagluto ng kakainin namin mamaya para sa aming pananghalian.

Halatang excited ang mommy ko sa mangyayari mamaya dahil alas-Dyes pa lang ay pinapapunta na nya si Jaden para bago daw mag-hapunan ay makapag-kwentuhan muna sila.

Pasado alas-nuebe na ng bigla may narinig ako na sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko.

At nang mabuksan ko ito ay iniluwa nito ang mommy ko na naka-pormal na suot.

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon