by: elsipi-are
(Lyka's P.O.V)
"Baby, si Jaden..... bestfriend ko." pagkatapos sabihin ni Drik ang mga katagang yun ay nanlaki ang mga mata ko.
"Panaginip lang ba to?" tanong ko sa sarili ko.
"Hindi ito totoo, nananaginip lang ako." natatawa-tawa ko pang pagkakasabi.
"Gising Lyka, gising!" sabay sampal at kurot ko sa aking kaliwang pisngi. Para na rin magising na ako sa bangungot na ito.
"Awwww!" mahina kong pagkakasabi. Nagtaka tuloy ako kung bakit nasaktan ako sa mga ginawa kong iyon. "Teka panaginip to ah." at pagkatapos nun ay nagsalita bigla si Drik.
"Anu bang nangyayari sayo baby?" malambing ngunit may pag-aalalang sabi nya.
"Wala, andito kasi ako sa paningin ko ngaun, normal lang siguro na gisingin ko ang sarili ko sa pagkakatulog diba?." pagkasabi ko nun ay tumawa si Drik.
"Anu bang pinagsasabi mo?" sabay tawa nanaman nya.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Alam mo kasi hindi ito normal eh. At ayoko ng panaginip na ito kaya tulungan mo na lang akong magising." seryosong tonong sabi ko sakanya.
"Alam mo ang weirdo mo talaga, nagpapatawa ka nanaman siguro nu? Sige na, mabenta na sakin yang joke mo." sabay pisil nya sa pisngi ko at tumawang muli.
"Seryoso ako Drik. Hindi ako nagpapatawa lang." pagkasabi ko nun ay bigla syang tumigil sa kakatawa.
"Saan ka seryoso? Sa mga sinasabi mo?" pagtatanong nya.
"Oo." matipid kong sagot.
"Hindi ka nananaginip baby. At seryoso din ako na pinakilala kita sa bestfriend ko." pagkatapos nun ay nginitian nya ako.
"Hindi ito panaginip?" pag-aalala ko.
"Oo, hindi ito panaginip." may paninindigan nyang sabi.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga pinagsasabi ni Drik at sa mga nalaman ko.
Para bang gusto ko na lamang maglaho sa mga oras na ito dahil sa di ko maipaliwanag na kaganapan.
Nanahimik ako ng ilang minuto at pagkatapos nun ay pumatak na lamang ang aking luha ng hindi ko namamalayan.
"Bakit ka umiiyak? May problema ka ba?" may pag-aalala nyang tanong.
"Hindi ko lang kasi maintindihan at matanggap...."
"Matanggap na ano?" pagpuputol nya sa sinasabi ko.
"Na si Jaden ang bestfriend mo." pagkatapos ko sabihin yun ay tinalikuran ko sya.
"Bakit anong problema sakanya?" malungkot nyang pagkakasabi.
"Si Jaden na bestfriend mo....
At si Jaden na kinakatakutan ko....
ay iisa." hindi ko alam kung anong naging reaksyon ni Drik sa sinabi ko dahil nakatalikod pa din ako sakanya.
Pero alam ko na nagulat sya kasi hindi sya nagsalita. Tanging paghinga lamang nya at ang ihip ng hangin ang tangi kong naririnig.
Pareho kaming gulat sa pangyayari. At alam ko na nagkakaintindihan ang mga nararamdaman namin kaya pareho kaming natahimik.
Mga ilang minuto pa ay binasag na nya ang katahimikan sa pagitan namin.
"Panung?"
"Hindi ko din alam Drik." pagpuputol ko sakanya.
