Chapter 36 - Acceptance

44 1 0
                                    

by: elsipi-are

(Jaden's POV)

Hindi ko man tanungin si Lyka ay alam kong nahihirapan at nasasaktan na sya sa sitwasyon namin ngayon.

Alam kong nagbibingi-bingian lang sya at nagbubulag-bulagan sa lahat ng pangyayari. Alam ko dinng sobra ang pagmamahal namin sa isa't-isa pero hanggang kailan ko kakayanin na makita syang nahihirapan.

Ilang araw na din mula ng mapag-usapan namin ang tungkol kay Drik. Kahit hindi nya din sabihin sakin ay ramdam ko ang pagtingin nya sa kaibigan ko.

Ilang beses ko na din kasi syang nakikita na nakatingin sa larawan nilang dalawa, kung minsan pa nga ay binabasa nya ang mga pag-uusap nila sa kanyang telepono.

Hindi ko lang sakanya sinasabi pero palagi kong nakikita na ganun sya. Mas lalo ako nalulungkot pag nginingitan nya ako ng sobrang tamis. Dahil alam ko naman na sa likod ng mga ngiting yun ay napakaraming tinatagong kalungkutan.

Umaga na at katabi ko sya ngayon. Napakaamo ng muka nya at sobrang ganda nya talaga. Hindi nya alam na hindi naman talaga natutulog ang tulad namin kaya pag nagsasabi sya na sabay na daw kami matulog ay nagpapanggap na lamang ako. Di nya napapansin yun dahil mas gusto ko yung ganito na natititigan ko sya ng matagal.

Napangiti ako at akmang hahalikan ko na ang noo nya ng bigla na lamang ako tumagos sakanya.

Napabalikwas ako ng di-oras at sinubukan ulit na gawin iyon. Sa pagkakataong ito ay gusto ko naman syang yakapin, ngunit sa kasamaang palad hindi ko iyon nagawa dahil tumagos nanaman ako sakanya.

Napatayo ako sa pagkakaupo sa gilid nya at humarap sa salamin ng kwarto nya.

"Ni anino nga wala ka Jaden at maging reflection sa salamin wala ka din." nalungkot ako habang sinasabi iyon sa sarili ko.

"Hindi kaya oras na para ipaubaya ko na sya kay Drik at tanggapin ang lahat?" pagkatapos kong sambitin iyon ay sya namang pag gising ni Lyka.

At bago pa nya maidilat ang kanyang mga mata ay bigla na lamang ako naglaho sa harapan nya at nagmamadaling nilisan ang kwarto nya.

(Lyka's POV)

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mata ko. Kaya tinalikuran ko ito at akmang yayakapin ko si Jaden na nasa tabi ko ngunit hindi ko sya nakapa.

Napabalikwas ako sa sobrang kaba na bigla kong naramdaman. Hindi ugali ni Jaden na umalis sa tabi ko lalo na at alam nyang natutulog ako.

Agad kong nilasan ang kwarto ko at nagtatakbo palabas ng pinto. Nagsisigaw ako at sinasambit ang pangalan nya.

Nang makarating ako sa may sala namin ay naabutan kong nag-uusap ang mommy ko at si Drik.

"Honey what's wrong?" nag-aalalang tanong sakin ng mommy ko.

Pero nagpapanic pa din ako at halos maiyak na dahil wala pa ding Jaden na lumalabas.

"Mommy si Jaden, hindi ko makita si Jaden."

"Si Jaden?" nagtatakang tanong ni mommy.

"Mommy si Jaden, di ko sya mahanap. Kagabi nasa tabi ko lang sya tapos pagkagising ko ngayon wala na sya sa tabi ko.

Mommy hanapin mo si Jaden...

Mommy hanapin mo si Jaden please...

Mommy si Jaden.

Si Jade..." bago ko pa masambit ang pangalan nya ulit ay umalingawngaw na sa buong bahay namin ang malakas na tunog mula sa pagkakasampal ng mommy ko sa kaliwa kong pisngi.

"Patay na si Jaden! Patay na sya matagal na!" sa pagkakataong ito naman ay ang tinig ng mommy ko ang sunod na umalingawngaw sa buong bahay namin.

"Si Jaden mommy, andito sya. Tulungan mokong hanapin sya." at pagkatapos kong sabihin yun ay sinampal nanaman nya ko sa kaliwang pisngi.

"Anak, wake up! Matagal ng patay ang nobyo mo. At wala ng rason pa para hanapin natin sya." sabay hagulgol na iyak ng mommy ko.

Ako naman ay nakatulala lamang habang hawak-hawak ang namamanhid kong pisngi.

Nilapitan ako ni Drik at pinaupo sa sofa. Iginilid nya ang ulo ko sa dibdib nya at dun na ako nagsimulang umiyak.

"Drik hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mangyari sakin ang lahat ng ito.

Bakit kailangang maramdaman ko ulit ang sakit ng nakaraan. Sobrang nasasaktan ako." at humagulgol pa ako lalo.

"Shhhhhh... wag ka na muna magsalita. Iiyak mo lang yan. Andito lang ako para sayo." pagpapatahan nya sakin sabay halik sa ulo ko.

Alam kong kahit anong mangyari ay andyan palagi si Drik sa tabi ko. Naaawa ako sa sarili ko sa mga kaganapang ito. At kung maaari lang ay gusto ko na lang sanang makalimot ulit.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa bisig ni Drik. Pagkagising ko ay nakahiga na ako sa kama ko at yakap-yakap ang malambot kong unan. Napatingin ako sa may gilid ng kama ko at nakita kong andun na si Jaden at nakatitig lamang sya saakin.

"Saan ka ba nagpunta? Sobrang nag-alala ako. Next time magpaalam ka na kung san ka pupunta. Dahil mababaliw nako sa kakahanap sayo." sunod-sunod na pagkakasabi ko sakanya.

Akmang lalapit ako sakanya ng bigla syang lumayo.

"Bakit Jaden? May nangyari ba na masama?" nag-aalala kong tanong.

"Walang nagyari na masama Lyka...

Kasi alam mo? Ako talaga yung masama." mangiyak-ngiyak na tono nitong pagkakasabi.

"Hindi ka masama Jaden, alam ko yun." pag-aamo ko sakanya.

"Hindi Lyka, itigil na natin to. Ayoko ng magpaka-selfish pa. Ayoko ng may patuloy pang masaktan. Ayoko ng umasa ka pa sa imposible." sa sinabi nyang iyon ay bumuhos muli ang luha ko. Sa totoo lang pagod na pagod nako kakaiyak pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya na pigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Pag-usapan natin ng maayos to Jaden." nagmamakaawang tono na sabi ko sakanya.

"Pinapalaya na kita Lyka, mahal kita kaya ginagawa ko to." sabay nun ay ang pag talikod nya saakin.

"Mahal mo ko kaya mo ginagawa to? Jaden, hindi pagmamahal ang pagsuko." pangangatwiran ko.

"Habang maaga pa tapusin na natin to. Ayokong ng mag-aksaya pa ng oras dahil alam kong wala din namang patutunguhan to.

Ayokong isaalang-alang ang puso mo sa ganitong klaseng relasyon. Unti-unti mong pinapatay ang malaya mong buhay para lamang magpakulong sa pagmamahal ko.

Magkaiba na tayo ng ginagalawang mundo ngayon. At alam ko sa sarili ko na hindi nako nababagay sa mundong ito." sa sinabi nyang yun ay lalo akong napaiyak.

Pakiramdam ko ay para akong nauupos na kandila. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at todo ang kirot nito sa puso.

"Bakit Jaden, bakit?" yun na lamang ang tanging nasasabi ko dahil sa pag-iyak ko.

"Kung mahal moko Lyka, susuportahan moko sa desisyon ko na yun di dahil sa iyon ang tama ngunit iyon ang nararapat. Kaya nakikiusap ako sayo na palayain mo na din ang puso mo." tanging pag-iyak lamang ang naging tugon ko sa bawat salitang binibitawan nya.

"Nandyan lang sya at nakikinig. Alam kong sakanya ka liligaya. Alam kong sya ang magpapangiti sayo na hindi ko man lang magawa.

Ngayon malaya nakong makakaalis dahil alam kong aalagaan ka nya ng husto." pagkatapos nya sabihin iyon ay umalingawngaw ang iyak ko sa buong kwarto ko at bigla na lamang nagbukas ang pinto at niluwa nito si Drik na namumugto ang mga mata.

A/N:
Hi sayo! Thanks sa patuloy na pagbasa at pagsuporta sa Deadtext ko. Sa mga readers po... pasensya na sa mga typo errors ko. hehehehe. Anyway, kapit lang tayo matatapos na din ang story ni Lyka. Sa mga nagustuhan ang update na to.... vote nyo na lang po. All kinds of comments are allowed. Thanks you! Muaaa

Dead Text (Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon