by: elsipi-are
Mahaba pa ang gabi at sobrang saya na agad ng mga pangyayari.
Sinimulan namin kanina ang party ng isang sweet dance namin ng pinakamamahal ko na si Drik.
Kasunod nun ay ang kainan na pinaka aantay nila. Hindi na namin pa pinahaba ang mga kaek-ekan dahil alam kong gutom na ang mga bisita namin.
At nang matapos na ang kainan ay inilabas ko na ang mga alak na iba't-iba ang brand. Bahala na sila kung anong gusto nilang inumin basta ang gusto lahat ng bisita ko ay malalasing. Hahaha
Napalingon ako sa may gilid at nakita ko si Drik na kausap ang mga kaibigan nya. Lalapitan ko na sana sila ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.
Lumabas ako ng bahay dahil sa sobrang ingay sa loob. Nagpunta ako sa gawing likuran sa bakuran dahil alam kong dun lamang walang mga taong nagpupunta di masyado maingay.
"Hello mommy?" tanong ko sa mommy ko na tumawag sakin mula sa messenger para kamustahin ang party ko.
Pinundot ko yung video para makita nya yung kagandahan ko ngayon.
"You look gorgeous sweety! Anak nga kita walang duda." sabay tawa nya na parang nahihibang.
Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana ng pagkabaliw ko, walang iba kundi sa mommy ko.
"Mommy sayang wala ka dito. Sobrang saya ng party ko." pag-iinarte ko sakanya.
"Ano ka ba anak party ng mga bagets yan. Ayoko na makisali. Tska alam mo naman ako ayoko ng malalakas na sounds. Mahihilo lang ako dyan!" sabay acting nya na may pahawak-hawak pa sa ulo.
"So kelan ang uwi nyo?" nakangiti nitong tanong.
"Mommy naman... uwi agad? Kakasimula pa nga lang ng party ko eh." natatawa kong sabi.
"I mean kelan ang uwi nyo? Para magpahanda ako kala Dang. Gusto ko icelebrate din ang birthday mo dati pag uwi nyo." kumindat pa sya saakin.
"Ang sweet talaga ng mommy ko." at inilapit ko pa ang labi ko sa screen nito na akmang hahalikan sya.
Natawa naman sya sa ginawa ko. At pagkatapos ay inilayo ko na ulit sakin ang cellphone.
"By the way mommy gusto mo po ba makausap si Drik?" pagtatanong ko sakanya.
"Sige anak para mabilinan ko na din." akmang lalakad na sana ako pabalik sa loob ng magsalita ulit si mommy.
"Oh anak andyan lang pala si Drik eh." bulaslas ng mommy ko.
"Talaga po? Baka sinundan ako kanina." at luminga linga ako sa kaliwat kanan ko ngunit wala akong nakita.
"Ano ba ginagawa ng batang yun andun lang nakatayo kanina ko pa din napansin." nagtatakang tanong ni mommy.
"Saan po?" magalang ko na tanong.
"Ayan oh nasa liko..." biglang naputol ang pag-uusap namin ni mommy.
"Ano ba naman ngayon pa nawalan ng signal." at itinaas taas ko pa yung telepono ko para makasagap ng signal ngunit wala talagang lumilitaw ni isang bar.
Pagtapos nun ay naisipan ko namang lingunin si Drik sa likuran ko.
At di nga nagkakamali si mommy dahil andun nga sya at nakatayo.
"Oh baby ko andyan ka pala."
Hahakbang na sana ako ng bigla syang lumakad papunta sa direksyon nung mataas na pader.