by: elsipi-are
"Hay, goodbye high school! hello! College life!" isang hakbang na lang at nasa gate na ako ng University na papasukan ko.
Well, masasabi kong iba na talaga ang mundo na gagalawan ko simula ngayong araw na to. Kaya kaylangan ng matinding focus at hardwork.
Sobrang excited ako sa magiging buhay ko bilang isang kolehiyala.
May mga prof na, bagong classmates at syempre panibagong set of friends. Hay. Buhay!
"DR 215, wa-wa-wait! Naliligaw na ata ako. San na ba yung room ko? 10 minutes na lang at magsisimula na yung first class ko. DR 215 na saan ka na ba?"
Para akong batang paslit na nawawala sa quadrangle at palinga-linga sa paligid habang hindi ko alam kung saan ba ako dapat pupunta.
"Bakit ba kasi napakalaki ng school na to? Kakaloka! Ma-la-late na ko lahat lahat di ko pa din nahahanap yang DR na yan. Anu beyen!" (simangot face)
"Lyk!" nagulat ako ng may nagsalita kasabay ang biglang pagtusok sa tagiliran ko na naging dahilan para mapasigaw ako ng malakas.
"Ay kamote!" malakas kong sigaw sa pagkagulat ko.
"Ang aga aga Lyk magugulatin ka. Ang ganda ganda ko sa umaga eh. Tapos ganyan reaksyon mo? Kakatampo ka talaga friend" agad-agad nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas ng makita ko kung sino yung nanggulat sakin.
"Kim! Buti naman dumating ka. Kala ko snob mo na ako eh. Di ka sumasagot sa tawag ko. Kanina pa ko umiikot dito at di ko pa din mahanap kung san yung DR 215 na yan, malapit na ko ma-late." sabay sabi ko sakanya habang nakahawak sa mga braso nya.
Si kim? Si Kimberly Mae Atienza, sya lang naman ang nag iisa kong bestfriend na malakas ang sayad sa utak katulad ko. Ohh di ba? Parang Kuya Kim lang ng matang lawin. Hahahaha. Just Kidding. Wala syang koneksyon kay Kuya Kim Atienza at lalo na kay dating Mayor Atienza. (Back To Reality)
"Nu ka ba Friend, baka may klase ako kanina nung tumatawag ka. Yung DR 215? Hmmmm." may pagka-sarcastic nyang sabi sabay hawak nya sa baba nya na parang may iniisip na malamin. "Ah! Dun sa dulo yun malapit sa Canteen. Tara na nga samahan na kita at kahiya naman sayo at baka malate ka pa." sabay hila sakin ni Kim papunta sa direksyon na sinasabi nya.
"Buti na lang talaga andito ka. Tska alam mo naman na dito ako nag aral para lagi kita makasama." paglalambing ko sakanya habang nag lalakad kami.
"I know. I know. Ewan ko ba sayo friend . Di ka ata mabubuhay ng wala ako. Umayos ka na nga Lyk!"
"Opo Opo, kasalanan ko bang ang laki ng school na to? Na dinaig pa ata ang limang mall sa laki." pagrarason ko.
"Wag ka mag alala ganyan din ako nung unang beses ko dito, masasanay ka din" sabay ngiti nya sakin.
Pagkatapos ng ilang minuto na paglalakad, nakarating na din kami sa sinasabi ni Kim.
"Osha, eto na yung Dr building hmmmm 215? Hanapin mo na lang room mo, di ko kabisado building na yan." binitawan na nya ang mga kamay ko at nagbeso sa magkabila kong pisngi.
"Ayan huh hinatid na kita. Kita na lang tayo mayang lunch at ilibre mo ko sa pang iistobo mo sakin. Ge, may klase pa ko ehh. Bye!" Pagkatapos nun iniwan na nya ko at mabilis na naglakad para makapunta kung san man yung next class nya.
Pagkaalis ni Kim, nagmadali akong naglakad sa pasilyo ng DR building.
Laking pasalamat ko naman nung mahanap ko agad yung room ko. Di ako nahirapan kasi nasa second floor lang sya ng building.