CHAPTER 37: HOME

68 5 32
                                    

ANO! Kahit salamat man lang wala. Hindi ko maiwasang magalit dahil ang baba ng tingin nila sa'kin. Umalis ako doon at hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa lugar kung saan ang daming ala-ala na masakit.

Hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong pagod at sakit ang naranasan ko dito.

Napaisip ako, bakit hindi kaya ako sumuko sa buhay nong halos araw-araw na akong bugbug sarado.

Binuksan ko ito at saktong hindi sarado. Walang katao-tao kaya pumasok ako sa loob at ang daming mga gamit na nabasag at nahulog nalang kung saan-saan.

"Ano kaya ang mangyayari kung sakaling wala ako sa mundong ito."sabi ko pa sa sarili ko.

Napaiktad ako dahil akala ako lang ang nandito.

"Sakto yung punta namin dito, hindi ka nalang pala namin hahapin dahil ikaw mismo ang pumunta."natatawang sabi niya kaya napa
atras ako ng walang dahilan.

"What brought you here?"tanong niya at nagsilabasan naman ang kasamahan nito.

"Anong ginawa niyo dito?"hindi ko sinagot ang sinabi nito mas ako pa ang nagtanong sa kaniya.

"Alam mo mas lalo kang gumanda, hindi na ako magtataka kung bakit gusto na gusto kita."kalibutan ka sana sa sinabi mo.

Gago!!!

"Sinong tanga magkagusto sayo pabalik?"nagsalubong ang kilay nitong tinitigan ako ng mariin.

Hindi ko namalayan napaupo na pala ako sa upoang kahoy at ginapos ang dalawang kamay sa likod nito.

"Tang Ina sakit yun ha!"sigaw ko pa talaga."Bakit kaba nandito?"

"May pinautos lang sa akin kaya ako pumunta dito."ngising sabi niya sa akin.

"Pakawalan mo ako dito!"__Lollie.

"Ang tanga ko naman kung papakawalan kita."natawa naman yung mga kaibigan niya.

"Bakit sa ginawa mo ngayon hindi kapa ba tanga."nauuyam akong asarin itong gagong 'to.

"Hindi kita kaya'ng patulan dahil una babae ka, pangalawa gustong-gusto kita noon pa."pinipigilan lang nitong magalit sa akin sa sinabi niya na babae ako at gusto niya ako.

"Alam mo, kahit kailan hindi ako makagusto sayo. Kasi alam kong tambay ka, pangalawa wala kang pinag-aralan. Pwede kapa namang magbagong buhay."kilala ko kasi siya dahil sa tuwing pupunta ako sa restaurant nandon siya mag-aabang.

Parang galang pusa lang kung baga.

"Hindi madaling magbagong buhay, kapag alam mong nasa gipitan kana."Ang seryoso ng Gago.

"Tanga! Kung pilitin mong magbago."inirapan ko ito. Hindi naman kasi ito masama kasi mabait itong tao ewan ko kung bakit nagbago siya ,kasi dati tinutulungan ako papunta kila nanay na magdala ng mga pagkain na at mabibigat na bagay.

"Mabait ka naman, bakit ganyan kana ngayon."napayuko ako.

"Lollie, masama akong tao kaya kanga nakagapos dahil masama ako."kita ko sa kaniyang mga mata ang pagod at sakit.

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED )Where stories live. Discover now