CHAPTER 52

12 1 0
                                    

SISIMULAN ko na, lumabas na ako ng hospital at inaya ko naman yung mga Kuya ko na maligo sa dagat. Tudo tango lang naman yung sagot nila sa akin.

"Gusto ko sa Boracay."nakangiting sabi ng Kuya Louie ko sa sarili nito na may pa imagine effect pang nalalaman.

"Ayoko ko don, madaming tao."napatingin naman kami lahat kay Kuya  Lerk.

Siguro no'ng pinanganak ito baliktad yung lumabas, una yung binti bago ang ulo.

"Tanga, may dagat bang walang maraming tao. Syempre beach yun at dinadayo din yun."Sabi pa sa kaniya ni Kuya Lenard.

"Hindi ko na pinangarap na magkaroon ng kapatid na kulang sa iri."nakatungangang sabi naman ni Kuya Limmier.

Napailing nalang ako sa sarili ko, hindi ko din pinanganap magkaroon ng mga kapatid na may mga sayad sa ulo.

"You okay?"napaangat yung tingin ko kay Kuya Leo.

"Yah, I'm okay."

"Baka kasi sumakit bigla yung mga bali mo kailangan pa ata yan ng kunting pahinga."nakita ko sa mga mata dito ang pag-aalala.

"Okay, lang ako Kuya. Huwag kanang mag-alala."nginitian ko ito at hinalikan sa pisngi.

Natigilan ito sa nagawa ko, palihim naman akong napangiti sa sarili ko. Hinalikan ko isa-isa yung mga kapatid ko sa pisngi at doon natigilan sila lahat sa ginagawa nila.

"Let's go!"

Iniwan ko na sila sa sala dahil hindi pa'din ito gumalaw simula no'ng hinalikan ko sila isa-isa.

Napahinto ako sa paglalakad no'ng may biglang humalik sa pisngi ko.

"Akala mo ikaw lang. Kami din kaya."Kuya Leo said.

Pinugpog nila ng halik ang buong mukha ko at hinayaan ko naman ito.

Nakikiliti ako." Ang baho na nang mukha ko dahil sa laway niyo."natatawa kong sabi sa kanila at hindi pa'din ito huminto sa kakahalik sa akin.

Tumigil lang ito no'ng pulang pula na yung mukha dahil sa kilig na binigay nila.

"Tara na nga."sumunod ito sa akin. Hindi nila hinayaang magdala ako ng gamit para sa pagligo namin mamaya.

Napaisip din ako sa mga kaibigan ko, baka gusto nilang sumabay sa amin pero gusto ko sanang masolo yung mga kapatid ko.

Si Kuya Leo yung nag drive sa van na ginamit namin gusto daw niya kasing maging driver kuno. Hindi namin kayang pumunta sa Boracay na gusto ng aking Kuya. Kasi baka yun pa ang pag-aawayan nila. Pinili nalang namin na sa malapit nalang maligo.

Nakarating naman kami ng maayos sa pupuntahan namin. Tutulongan ko na sana silang kunin ang mga gamit para makaligo na sila agad. Bawal pa kasi akong maligo sa dagat baka lumala yung bali ko sa katawan.

"Ako na bahala mag-arrange sa foods, maligo nalang kayo."pinagtataboy ko sila para lang makaligo na sila dahil yun naman yung pinunta namin dito.

"Ayaw mo talagang maligo."muntikan nang masubsub sa buhangin yung Kuya Louie ko dahil binatukan ito sa ulo ng Kuya Leo ko.

"Gago, may bali yan."galit itong hinihila sa dagat.

Natatawa akong pinagmasdan sila isa-isa kung ano ang kagagohang ginawa nila sa dagat. Tinapon nila sa tubig si Kuya Leo dahil galit pa'din dito at napahagalpak naman ito sa tawa.

"Ayaw mo bang makisali sa kanila Kuya?"tanong ko kay Limmier.

"Gusto, pero ayoko namang iwanan mag-isa ang aming prinsessa dito."seryoso itong tumingin sa paligid.

Kahawig ko ng kunti ang aking Kuya. Bali ako yung girl version niya. At siya naman ang boy version ni Daddy. Naghahalo kasi yung mukha ko. Basta yun na yun.

"Kuya."tawag pansin ko dito. Lumingon ito sa akin pero nanatili lang akong nakatingin sa apa't ko pang kapatid para silang mga bata.

"Ano yun?"

Mapait akong tumingin sa kaniya. " Kung sa kaling may mangyaring hindi maganda, sana ikaw yung taong kukuha sa medalya at diploma ko ha. . . Kuya, masaya akong nakasama na kita. Huwag mo na kaming ewan ha."nangilid yung mga luha ko sa pisngi. Nangunot naman ang noo nito dahil sa pinagsasabi ko.

"Ano ba yang sinasabi mo, para ka namang aalis."galit na sagot nito sa akin. " At opo hindi na po kayo iiwan."

"Gusto ko lang itong sabihin sa'yo."lumapit ako dito kahit basa na ito, yumakap pa'rin ako. "Mahal na mahal kita Kuya."

"I love you too, bunso ko."naramdaman ko naman itong humalik sa tuktuk ng ulo ko.

Napakalas nalang ako sa pagkayakap sa kaniya dahil nagsisigawan na yung mga abnoy kong mga kapatid.

"Nakakaselos naman, bakit kayo lang!"sigaw nilang lahat sa malayo.

"Bilisan niyo!"nakisama naman sila sa yakap namin ni Kuya Limmier.

Nanlabo yung paningin ko, pinikit ko nalang ito ng mariin para mawala yung panlalabo ng paningin ko.

Napatingin sila lahat sa akin. Lahat sila nag-alala. "Namumutla ka, okay ka lang ba?"Sabi ni Kuya Lenard sa akin.

"Gutom lang siguro ako kaya namutla ako."tumatawa pa ako at binibiro sila para maniwala.

"Tara kumain na muna tayo."pag-aaya naman ni Kuya Lenard.

Sabay-sabay kaming kumain na hinanda naming pagkain, kami din mismo ang nagluto nito sa bahay kasi trip lang din namin paghirapan ang kakainin namin. Kinahapohan nag-aya na silang umuwi dahil siguro pagod na at gusto na magpahinga.

Katabi ko si Kuya Lenard, sumandal ako sa balikat nito." Kuya, I love you."natigilan ito dahil sa sinabi ko.

"I love you too our bunso."sagot naman nito.

"Huwag kang iinom ha, kasi nakakasama yan sa kalusugan mo. Tigilan mo na'din yang paglilihim mong panagarilyo."

Piningot naman nito ang ilong ko. " Ikaw talaga, sige titigilan ko na yang sinasabi mo sa akin." Yumakap ito sa akin, ganon din naman ako sa kaniya.


"Masaya akong nakita kitang masaya , Kuya."nanatili akong nakasandal sa balikat nito. "Ingatan mo sila Kuya ha, alaagan mo sila kapag may sakit sila."nangilid na naman yung luha ko. "Ikaw lang kasi yung maaasahan nila sa lahat ng bagay."

"Para ka namang namaalam, ano ba yang pinagsasabi mo diyan?"

"Wala, basta lagi mo lang alalahanin yung sinabi ko."

Bilang isang kapatid ayokong nakikitang may isa sa inyo nasaktan dahil lang sa akin, lagi niyong alalahain na mahal na mahal ko kayo.

Kahit gusto ko pa kayong makasama kaso may araw din na nahihirapan na ako sa anong kondisyon meron ako.

Mahal na mahal ko kayo!

_________________________________
KIMMOTAMA 🪐

THE 𝙼𝙰𝙵𝙸𝙰'𝚜 𝚄𝙽𝙸𝚅E𝚁𝚂𝙸𝚃𝚈  (COMPLETED )Where stories live. Discover now