[It begins with a tragedy.]
Charles Sebastian Lafuente
(His pov)
Kalat ang mga librong nakapaligid sa desk ko. Gabi na at madilim pero buhay pa din ang tanging ilaw na nakalagay sa tabi ng computer ko.
Kahit malalim na ang gabi, hindi pa din ako tumitigil sa pag-aaral para sa darating kong clinical examination. Importante kasi iyon dahil mid semester na kami sa college. Mas humihirap ang mga pinag-aaralan kaya hinahanda ko lang ang sarili ko.
Napag-alala ko pa tuloy ang lolo Samson ko sa pag-aaral ko ng hating gabi. Pumunta pa siya dito para dalhan ako ng kape at para ayusin ang mahuhulog na leeg ng ilaw sa mesa ko.
"Gabi na, lalo ka pang nagpapagabi sa pag-aaral mo," aniya sa medyo paos na boses.
Natawa ako bahagya sa kaniya saka kinuha ang tasa ng kape, "E, 'lo, hindi naman po pwedeng magpahinga na lang ng gano'n kadali, may paparating po akong exam next week," mahinahon kong paliwanag sa kaniya sabay tapik sa braso niya.
Nanlisik na nangunot ang noo niya sa akin bilang tugon, "Pero hindi naman sinabing magpakasubsob ka diyan ng walang tigil," sagot niya.
Tinawanan ko na lamang ang munting panenermon niya sa akin. Sa katunayan ay siya ang mas may kailangan ng pahinga kaysa sa akin. Matanda na siya at mas rumurupok ang mga buto niya, bilang isang med student, siya ang priyoridad ko sa buong motibasyong mayroon ako sa pag-aaral.
Bukod pa roon ay pangarap ko rin talaga ang maging doktor. Gusto kong matulungan ang mga may sakit. At kinalaunan ay makapagpatayo ng sarili kong ospital na maaaring maging magandang adisyon sa mga negosyong maaaring mahawakan ng Lafuente corporation.
Tinapik naman ni lolo ang aking balikat bilang kapalit. Nakakapagtakang hindi umiimik si lolo at hindi rin umaalis. Para bang may ninanais itong sabihin sa akin, pero hindi naman siya nagsasalita?
"Apo. . ? Baka naman mahiram ko ang oras mo saglit?" Tanong niya.
Sa kasamaang palad, wala akong panahon para makipagkuwentuhan ngayon, baka mawala sa utak ko ang mga kinabisado kong terms, "Pasensya na 'lo, pwede bang sa susunod na lang? Gabi na din kaya dapat magpahinga na po kayo." Paalala ko sa kaniya.
Napatingin siya sa ibaba nang patunguhin ko na siya sa kwarto. Kahit gustuhin kong makakuwentuhan siya ay hindi din uubra dahil marami akong mga hinahabol na researches.
Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa upuan sa tabi ng desk saka ulit nagbasa ng med book.
Habang nagbabasa ako ay bigla kong narinig ang pagtunog ng cellphone ko. Nalaman kong tinatawagan ako noon ni Claudia. Si Claudia. . . ang babaeng pinakatinatangi ko.
Nakadama ako ng bahagyang pagkasabik nang sagutin ko ang tawag niya. Muli ay narinig ko ang mababaw na boses niya, "Charles!"
"Yes?" sagot ko. Pangisi-ngisi pa ako sa oras na sumagot ako.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...