[Chapter 45]
Brainwelyn
Hindi ko na siya ulit nakita pa.
Noong magtalo kami sa tulay noon, halos mapunta ako sa puntong gusto ko na lang tumalon sa tulay n'un.
Nadala lang ako ng emosyon ko, pero may kaunting katotohanan pa din sa paninindigan ko, at sa rason kung bakit natapos ang relasyon namin.
Kahit ayaw ko naman talaga siyang pakawalan, nag-alala ako para sa kaniya, kaya sinakripisyo ko ang sarili ko.
Isa sa mga bagay na natutunan ko ay may mga bagay na hindi kami napunan ni Charles sa relasyon kahit masaya pa kami sa isa't-isa.
Sinukuan ko siya. . . at pinakawalan niya ako.
. . . .
Lumipas ang apat na taon na hindi pa din ako tiyak kung totoo o hindi totoo ang pinaliwanag ni Charles noon. Oo, maraming taon na ang dumaan pero may mga katanungan pa ding naiwan sa isip ko.
Umalis ako sa Manila sa oras na makapagtapos ako saka ako lumipat sa Pampanga para magpahangin at mapag-isip-isip ang lahat.
Hindi ko siya kailanman kinalimutan kahit na gustong-gusto kong makalimot sa kaniya. Simula nang maghiwalay kami, hindi naman ako naghanap ng iba.
Umaasa ang puso ko na may tyansa pa kami sa isa't-isa, ang isip ko naman ay nagrerebelde at pinagpipilitang wala na talaga.
Hindi nagkakaisa ang puso't isipan ko kaya hinayaan ko na lang na ang oras ang gumamot sa 'kin.
Wala na akong balita sa mga Lafuente ngayon. Hindi ko nga alam kung bukas pa ang Coffee Clock ngayon, pero nakakausap ko pa din naman si Claudia, pinakiusapan ko siyang huwag na ako banggitin kay Charles at pati din siya ay huwag nang magbanggit ng kahit ano tungkol sa kaniya.
Si Colette naman ay may balita pa rin kahit papaano sa kanilang tatlo dahil going stronger daw sila ni Yuji. Mabuti pa sila, hindi naghihiwalay.
. . . .
Nitong Pebrero, bumalik ako sa Manila para bisitahin sina Lola Noma para sa kaarawan niya. Hindi ko naman in-expect na ang mabilis na bisitang iyon ay mauuwi sa isang buwang panunuluyan na. Ayaw na akong pabalikin ulit ng mga kamag-anak ko sa Pampanga. Wala akong nagawa dahil na-miss ko rin naman sila papaano.
Binisita ko naman si Nyx sa kinagabihan. Simula nang makabalik ako dito, siya lang talaga ang nakakasama ko dahil naging magkaibigan na kami. Syempre, laging may discount kaya why not?
"You're here again." Sabik niya akong sinalubong ng kumikinang niyang ngiti. Naabutan ko pa siya doon na nagpupunas ng ilang mga bote.
Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. Tuwang-tuwa talaga siyang makita akong muli. Sa katunayan ay parang pare-pareho lang ang reaksyon niya kapag darating ako. Laging tuwang-tuwa
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...