𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 10]
Brainwelyn
Usually, maiinis talaga ako na lagi akong inuunahan ni Charles umuwi. Kasi kapag inunahan niya 'ko, ako ang magliligpit at magsasara ng cafe.
Aba! Wala namang ganiyang naging usapan sa unang interview. Sinamantala niya talaga e.
Actually, okay lang naman talaga sa 'kin. Kung ganiyang treatment ba naman na may pasama pang head pat, jusko, kahit araw-arawing niya pa na ipagawa sa 'kin 'to.
Sobrang unexpected talaga ng nangyari. Wala sa malay ko na gagawin niya 'yon. When he patted my head, my heart sparked in no time.
Kilig na kilig ako na parang ewan.
Pero in fairness! Napapansin ko din talaga kay bossing na parang nag-iiba na nga siya. Hindi 'yong pisikalna pagbabago, pero more on sa behavioral niyang pagbabago.
Kasi biruin mo 'yon, pansin ko lang na mas gentle at mas mapagpasensya na siya sa 'kin ngayon. Noong hinihiritan ko siya ng paulit-ulit tungkol kay Claudia, naiinis siya at naiirita.
Muntik niya na nga 'kong masigawan sa inis e, pero biglang nagbago! Maya-maya lang, tatapikin niya na ang ulo ko?! Ang bilis naman nagpalit ng mood niya.
Dapat niya araw-arawin niya na, baka kahit 'di ko shift, magtrabaho ako para lang do'n!
. . . .
Bago mag alas diyes na ako nakauwi ngayong gabi. Siniguro ko kasi na ultra clean ang aabutang cafe ni Charles bukas sa sobrang linis.
Solid nga e, nangalay kamay ko sa pagod, pati 'yung likod ko, ang sakit na din. Buti nga at nakauwi na 'ko, pwede na 'ko magpahinga.
Pagpasok ko ng bahay, nagtanggal muna ako ng sapatos. Nadatnan ko sina mama at papa na nanonood ng FPJ's ang probinsyanon. Magkatabi at tutok na tutok sa telebisyon.
Halos 'di na nga nila ako napansing nakauwi e.
"Ahh! Nasa likod mo siya, Cardo!" natatarantang hiyaw ni mama habang tinututok ang kaniyang daliri sa lalaking nasa likod ni Cardo.
Si Papa naman ay pasimple lang na dumudukot ng oishi sa pagitan ng hita ni mama.
Hindi ko na kayo gagambalain.
Nagpunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom na malamig na tubig. Biglang bumukas ang ilaw, sa aking pagtalikod ay nakita ko si nanay na hawak ang walang laman na oishi crackers.
"Nandito ka na pala." Bati niya habang ngumunguya pa ng oishi.
Ubos na ito, nagpunta lang siya dito para itapon 'yon.
"'Di niyo na napansin, tutok na tutok kasi kayo sa Ang Probinsyano." Biro ko. Ininom ko ang hawak kong baso ng tubig hanggang sa maubos ito.
Tumawa si Mama, "Commercial pa muna ngayon. Halika na, makinood ka na sa 'min ng papa mo."