CHAPTER 4

43 9 2
                                    

[Chapter 4]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 4]













Charles
Inabot ng gabi ang trabaho sa Coffee Clock. Monday nga pala kaya dumagsa na naman ang mga tao.

Nakaharap sa bintana, pinapanood ang mapayapang kalangitan ng gabi. Bumaling ang mga mata ko sa repleksiyon ni Brainwelyn mula sa bintana na nagpupunas ng mga pinggan at tasa sa cupboard.

Hindi ko alam kung dapat ko nga ba siyang tanggapin. Aminado akong malaki ang naging tulong niya ngayong araw. Kahit papaano ay naibsan ang malaking pasanin sa likod ko, but generally--she's not qualified for the position.

Somehow it made me think further. She worked hard, and she has the determination to work harder in the future. Sa akin nakasalalay ang magiging kinabukasan niya.

"Pangarap ko po maging barista, kaya naniniwala po ako na kung gusto ko po, magagawa ko po ang lahat para pagbutihan ang trabaho ko. Kung bibigyan niyo lang po ako ng pagkakataon. . "

Totoo ba ang sinabi niya? Ngayon lang ako nakakilala ng taong ang pangarap ay maging barista. Maybe she's actually just looking for an easy job, pero malalaman niyang kahit ang pagtitimpla ng kape ay hindi simple.

Bigla akong nakarinig ng kalampag ng babasagin kung kaya't alisto ko itong hinarap. Si Brainwelyn lang pala. Natapos niya na ang lahat ng gagawin kaya paalis na siya.

"Aalis na po ako," sabi niya habang sinusuot ang shoulder bag niya.

Hindi kaaya-aya ang pinapakita ng mukha niya. Para siyang nagluluksa sa patay. Damn it, my guilt is kicking in. She really is something. . .

Bago pa siya tuluyang makalabas mula sa pinto ay pinatigil ko na siya, "Brainwelyn," tipid kong tawag.

Gulat na lumingon sa akin ang nanlalaki niyang mga mata. Sa momentong iyon ko hindi maipaliwanag ang kakaibang kibot sa damdamin ko. Hindi ko siya kilala pero matapang ang kibot na pinaparamdam niya sa akin.

I was mesmerized with that face that lingered with me. Because of that turn, hindi ko maiwasang mangatal sa kibot. Believe me for I am trying so hard to maintain my composure. I have to get this straight.

One thing can only cure my strange quiver, "Gusto mo ba talaga ang trabahong ito?"

Dagliang humarap sa akin ang sabik niyang katawan along with her hands interlocked with each other, "Opo! Gustong-gusto ko po ang trabahong ito dahil pangarap ko po ito! Kung alam niyo lang po kung gaano ko katagal inasam na makapagtrabaho sa isang cafe. . ." I noticed how fast her face shifted. Sa isang iglap ay bumalik ang nakakasilaw na tuwa sa mukha niya.

At first, I really thought she wasn't serious about this. I thought she was just wasting her time just to see me since--iyan naman ang ginagawa ng karamihan.

But listening to her words made me thought--siguro nga ay determinado siyang makuha ang trabahong ito.

I was too cold to even think that. I shouldn't be like that as someone who also dreams.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon