CHAPTER 40

17 5 0
                                    

[Chapter 40]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 40]






Brainwelyn

NORMAL DAYS ARE BACK!

Sobrang nagpapasalamat talaga ako at nagpakalasing ako noong gabing iyon. Kung hindi pa iyon mangyayari ay walang mareresolba sa LQ naming dalawa.

At syempre, magaan na ang loob nina Mama at Papa kay Charles dahil sinabi niya ang lahat ng intensyon niya para sa 'kin. Syempre ako naman itong proud GF niya. Nakikinig lang sa bawat paglalambing na ipapataw niya sa tainga ko.
So ayun na nga, bumalik na kami sa dati. Nandito ako ngayon sa Coffee Clock at matiwasay na nagtatrabaho.

Sumingit lang sandali sa isip ko: kasali kaya sa GF incentives ang bonus ko? Naisip ko lang tutal alam niya namang mahilig ako sa bonus. Baka ibigay niya na ng kusa sa 'kin 'yon tutal girlfriend niya na ako.

Paulit-ulit akong umiling, hayst! Kung ano-ano talagang naiisip. Syempre insulto na 'yon sa pride ni Charles!

Anyway, hindi pa din natatapos ang training nina Dana, pero dahil nga maayos na ako sa kaniya, hinahayaan ko na lang sila ngayon ng walang alinlangan sa loob ko.

Habang nagpupunas ako ng mga lamesa dito, bumalik na naman ang pagkapukaw ng atensyon ko.

May kung ano na namang bumabagabag sa 'kin ngayon.

Noong tapunan ko sila saglit ng tingin, napansin ko na naman si Dana na--may pagnanasa sa tingin niya kay Charles.

The worst part is how she is shamelessly just doing it! Wala siyang pakialam kahit nahuli ko na siya.

Well. . . she doesn't know about our relationship kaya hindi ko din siya masisisi kung inosente siyang nagpapaapekto dito. Disadvantage ko lang talaga na tinatago ko lang ang selos ko.

Nadala na ako ng oras sa sobrang panonood ko sa kanila. Tipong nagpupunas ng lamesa ng hindi nakatingin doon dahil masyadong nakatutok sa kanilang dalawa.

Sa kabila nang mga paliwanag at assurance niya sa 'kin, nababahala pa din talaga ako kay Dana.

Sa tingin ko, mas makakabuti pang hindi na lang siya manatili dito kaysa tadtarin ako ng assurance ni Charles.

I sighed, still weighing the problem in me if a mouthful won't help.

Paglingon ko sa harap, ginulat ako ng isang customer na nag-iintay lang pala sa aking lumingon.

Sa gulat ko tuloy ay napatuwid ako ng tayo, "Yes po?!" sindak ko.

Ngumiti ang babaeng customer na naka-bun at nagkrus ng kamay sa baba, "May order po ako. Wala po kasing cashier doon sa counter kaya inintay po kita."

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon