𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 12]
Charles
Maaga akong pumasok sa cafe para magbukas, pero laking gulat ko nang maabutan ko si Brainwelyn na naroon na.
Binaliktad niya ang nakasabit na karatula sa pader hanggang sa ang 'closed' ay mapalitan ng 'open'.
Hanggang ngayon ay gulat pa din akong lumalapit sa kaniya, not until she noticed me herself.
"Sir! Este. . Charles. . ," bulong niya sa huli.
I couldn't bear myself in that moment. I let out a small chuckle when she made a mistake about how she would address me.
Napakamot na lang siya ng ulo dahil sa pagkakamali.
"Bakit ang aga mo?" I questioned her.
She shrugged her shoulders and smirked at me, "Wala lang. Bawal ba? Uhaw ako magka-bonus ngayon e." I knew she was joking, she definitely got me in that part.
I shook my head and brushed off the funny thoughts. Binilisan ko na lamang ang pagbubukas ng pinto gamit ang susi. Nang mabuksan ito ay nauna pang pumasok si Brainwelyn.
Brainwelyn
"Feeling ko magsisipag ako today."
'Yan na lamang ang magana kong motibasyon sa sarili ko nang magising ako ngayong umaga. Gaya ng manifestation ko ngayong umaga, inagahan ko na ang pagpasok ko sa cafe.
Gusto ko kasi magka-bonus, isa pa ay dahil kinakabahan ako sa magiging exam ko bukas, kung papasok na ako ng deretso na walang review mamaya sa pre-test, baka mangamatis lang ako sa kabobohan.
Inaasahan ko na na makakasalubong ko sa pagbubukas si sir Charl-- ay! Charles na nga lang pala ngayon.
Iniisip ko ang mga iyon habang busy na naglalabas ng mga upuan mula sa storage palabas sa outdoor area. Nang palitan ko na ang karatula ng open/close sign saka dumating si Charles.
Time check: 6:45 am. Maaga siya, pero hindi mas aaga sa saktong alas-sais kong pasok. Sana pagpalain ako ni Lord ngayon at magka-bonus.
. . . .
Maya-maya pa ay bumalik si Charles. Kanina kasi umalis siya para kunin ang in-order niyang fresh coffee beans. Ewan ko ba dito kay Charles, pwede naman ipa-deliver na lang gusto pa iyong pinupuntahan para kunin mismo.
Siguro may pinopormahan 'to do'n.
Mas lalo ata kong mangangamatis dito sa dinatnan kong ganap ni Charles. . .
Noong makarating siya dito ay karga-karga niya ang isang malaking sako ng fresh coffee beans.
Ang sarap magmura sa lutong ng nakikita ko ngayong katawan! Ang gwapo ni Charles! Lalo na kapag sinusubukan niyang itaas ang bitbit nito, pati ang muscle niya, kumakabig sa tikas.