CHAPTER 41

20 7 0
                                    

[chapter 41]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[chapter 41]







Charles

I wanted to curse myself to death that very moment, but thankfully, I was gifted a really kind and understanding girlfriend.

Nagpapasalamat ako na natapos din ang araw na iyon na nagkaayos kaming dalawa ni Brainwelyn. Gayon man ay nakokonsensiya pa din ako sa sarili ko for not being able to dodge Dana earlier that time.

Alam kong may kakaiba nang pagtingin sa akin si Dana, pero dahil trabaho lang ang lahat ay hindi ko iyon binigyan ng malaswang kahulugan. It's true that Dana and I's age aren't that far pero iba pa rin at committed na ako sa girlfriend ko.

I don't want anyone else but my Brainwelyn. Kahit tumingin ako sa ibang babae, siya pa din ang nakikita ko.

Wala na dapat na mamagitan sa aming dalawa ni Dana.



Brainwelyn

Walang pagbabago.

Ganoon pa rin, hindi pa din tumutuligsa si Dana sa kakadikit kay Charles. Kaunti na nga lang ay magmukha na siyang linta.

Speaking as a normal person naman, dahil sa kaniya, nadagdagan ang mga trabaho ko dito. Paano, gumagawa talaga siya ng paraan para itutok ang atensyon kay Charles. Pabigat lang!

Pagkasara namin, naiwan kami pansamantala ni Charles sa coffee making area. Nahahapo kasi ako, hindi ko lang sinabi sa kaniya na dahil sa stress, kaya pinagtimpla niya ako ng kape.

Alam na alam niya talaga na stress reliever ko ang kape niya. It felt surreal to be savoring the taste of his coffee once again after so long. The rich aroma, the velvety texture, and the hint of sweetness all came together to fill me with a sense of comfort and nostalgia.

Akala ko ay masosolo ko na siya ulit. . . nang tumunog naman ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa ng apron niya at sinagot.

Tumitingkayad ako para masilip kung sino ang tumatawag. Napansin niya ang ginagawa ko kaya nagkusa na siyang ipaalam sa akin.

Tinakpan niya ng palad ang ongoing na tawag at humarap sa akin, "My friend Jessey is calling me," nakangiti niyang update.

Napanguso ako sa nang mapagtanto. Okay, no suspicions naman for now.

Lumabas muna siya para sagutin ang tawag. Siguro ay importante. Hindi ko na aalamin, in respect na lang din sa privacy boundaries namin.

Maya-maya lang ay sumunod si Dana na magpakita. Dudungaw-dungaw siya sa paligid, hinahanap si Charles.

Muntik nang mag-awtomatikong sumagot ang sarili ko at masabi kung saan napunta si Charles, nakalimutan ko si Dana nga pala iyon.

I refuse to allow her to pursue or bother Charles when he's on the phone with his friend Jessey. Her persistent following would be going too far, and it would irritate me even more. It's important for her to respect his space and the boundaries of our relationship. . . kahit na wala siyang malay doon.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon