[Chapter 3]
Charles
Napatingala ako sa agarang bungad ng babae, "Is that so?" ang tanging naging tugon ko sa sinabi niya.
Napatahimik siya sa naging tugon ko. May mali ba? Tutal nandito na din naman siya, kukumustahin ko na din siya mula sa pangyayari kahapon, "Okay ka na ba? Nagpa-ospital ka ba no'ng magkamalay ka?" Pag-aalala ko. Dahil ako ang tumulong sa kaniya, gusto ko lang alamin ang kondisyon niya.
Umiling ang babae, kinabahan ako nang umiling siya, ibig sabihin ba no'n ay may mali sa first aid ko?! Imposible. . masusi ang pag-aaral na ginawa ko diyan, imposibleng magkamali ako. Kung magkamali man ako, malaki ang tyansang mapano pa siya!
No. . . nag-o-overthink lang siguro ako, she's literally right here standing all lively in front of me. There's no way I'd actually fail, right?
"Hindi na ako nagpa-ospital. P-paano mo nga pala nalaman na nahimatay ako kahapon?" Ah, iyon pala ang tinutukoy noong umiling siya. Kinabahan ako doon.
Hindi niya pala nakilala ang taong tumulong sa kaniya. Must be my fault as well, umalis na ako bago pa man niya tuluyang mabukas ang mata niya.
Brainwelyn
Bakit niya na lang binring-up iyon, siya ba ang nag-CPR sa akin no'n?
Kumuyom ng kusa ang parehong palad ko habang nakatayo sa harap niya. Naalala ko ang pag-uusap ng mga tao sa aksidente, may gwapo raw na nag-CPR sa akin noon. Ngayon na nakita ko na siya, parang may katotohanan nga.
Ibig sabihin, siya ang nga ang lalaking tinutukoy nila! Kung aakalain mo nga naman oh! Kahit na maaga siyang umalis noon, paglalapitin pa din kami ng tadhana. Gusto kong tumawa sa tuwa, na-realize ko na ang first kiss ko--ay siya.
Tumatalbog sa sobrang tuwa ang dibdib ko. Nilalasap ang sandaling narinig ko sa mga nakakita na may nag-CPR sa akin na gwapo. Can't believe lang na ang magiging first kiss ko ay sa gwapong katulad niya.
Love? Este- Boss! Gosh! Malayo pa pala ang aabutin ko.
Charles
"Ako ang nagbigay sayo ng first aid noong nahimatay ka." Paliwanag ko sabay nag-ayos ng salamin.
"Ahh!" sagot niya.
Bumuntong-hininga ako. Nilapitan ko siya para paupuin siya at umupo naman siya. This is my first time, so I'm not typically sure kung paano ito nangyayari. Just when I'm about to tell her what to do, pinangunahan niya na ako sa pagbibigay ng resume niya.
Napilitan ako sa ginawa niya tutal nanguna na siya. Binasa ko ang bawat detalyeng nakalagay sa resume niya. So far ay wala namang mali. So her name's Brainwelyn? That's an unusual name.
"Brain. . . welyn?" bulong ko.
Narinig ko ang munting pagtawa niya, "Opo. 'Yan po ang pangalan ko. Brainwelyn as in brain, 'yon po kasi ang ine-expect sa 'kin ng mga magulang ko--na maging matalinong bata, ayun na-disappoint sila kasi hindi naman ako matalino." Pagtawa niya ulit.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...