[Chapter 38]
Brainwelyn
Another week passed ever since naging kami ni Charles. We were the happiest couple that we can be. Laging sweet, laging nilalanggam ang convo sa messenger, at laging clingy kahit sa trabaho.
Pero dahil sa buwis-buhay na nangyari noon, napag-usapan namin ni Charles na mag-set ng limitasyon sa trabaho namin. Kaya naman hindi na kami pwede magpaka-sweet masyado sa isa't-isa. Lalo na kapag may customer kaming kaharap.
Everything was all set and all perfect. . . until this day came.
May pinakilalang bagong empleyado sa akin si Charles.
"We have a new employee. Her name is Danniah Polonio," masayang pagpapakilala ni Charles sa akin. Nakahawak pa siya sa likod ng babae habang nakaharap silang dalawa sa akin.
Blangko lang naman ang reaksyon ko dito. Hindi pa makaimik noong una. Masyado akong natahimik nang matunghayan ang ganda ng babae.
Maganda siya. Straight ang buhok na para bang araw-araw nagpapa-rebond. Maputi siya at mukhang may lahing amerikana. Isa pa ay hindi naman siya katangkaran, kung tutuusin, mas matangkad pa nga ata ako sa kaniya.
Matamis ang naging ngiti niya sa akin habang kumakaway, "Nice to meet you! I'm Danniah. Pero kahit Dana na lang ang itawag niyo sa akin," bati niya.
Napansin ko ang klase ng vibe na mayroon siya. May pagka-energetic naman siya sa introduction pa lang at mukhang magkakasundo naman kami.
Wala naman akong problema e. Nagtataka lang ako kung bakit biglang magha-hire ng panibago si Charles? Baka naman nagsasawa na siya sa akin?
Nagtataka lang din ako, naiisip ko na baka hindi na ako sapat sa kaniya. Akala ko kasi ay maayos na ng kaming dalawa lang ang nagtatrabaho dito sa Cafe.
"Me and Dana will begin our training together. Dahil naghahanap lang ng experience si Dana, she requested a training too."
Tumayo ang isa kong kilay nang malamang si Charles ang mag-t-train kay Dana. May hindi magandang kutob na namumuo sa loob ko noon.
No matter how complicated things had turned out, sinubukan ko pa ring maging open minded sa sitwasyong ito. Experience? Training? Required ang training sa kahit saang field.
I should just understand them imbes na baluktutin ang iba't-ibang klaseng bagay na lalabas sa isip ko.
Lumapit sa akin si Charles at marahang hinimas ang kaliwang balikat ko. Tumama ang nakakagaang ngiti niya kaya nakumbinsi niya rin ako sa bagay na ito.
"Magiging busy ako ng slight para matutukan ko si Dana," paliwanag niya.
Masakit nga lang sa tainga ko noong sabihin niyang mas kakailanganin niyang tutukan si Dana kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...