𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 19]
Brainwelyn
"Anyways, wala ka pa namang partner 'di ba? Ako na lang ang ka-partner mo!" Kusang kumuyom ang mga kamay nito, "Matagal ko na rin namang inintay na maging ka-partner ka. . ."
"Sigurado ka ba diyan, Steven? Baka kasi may iba pang mga babae na gusto ka maging ka-partner," nag-aalala kong tanong.
Umiling ito at walang pasabi na lang tumawa bigla, "Wala. Nag-aalala ka ba dahil lang do'n? 'Wag ka mag-alala, ikaw lang gusto ko maging ka-partner kahit may magkagusto pang maka-partner ako."
Nagkatinginan kami ni Colette dahil sa sinabi ni Steven. Feel kasi namin na parang may something sa paraan ng pananalita ni Steven. Kung makapagsalita siya parang deads na deads siya sa 'kin. I really hope it's just our guts.
Napakamot na lang ako sa ulo ko, naiilang na magtama ng tingin sa kaniya, "Steven, pag-iisipan ko," masinop kong kasagutan sa alok niya.
Mabuti na lang at mapagpasensiya si Steven at ngiti lang ang binayad niya sa 'kin. Napapikit itong humawak sa kaniyang dibdib bago siya tumakbo paalis na para bang may hinahabol na oras.
Hindi talaga ako makapagdesisyon. Magiging totoo na ako, si Charles kasi ang gusto ko talagang maka-partner; well--pinapangarap. As if naman na pwede kaming magsama ng non-students dito.
Hanggang pangarap na nga lang siguro ang maka-partner si Charles sa ball. Haharapin ko pa din ang katotohanan na si Steven ang makaka-partner ko. Wala namang pangit kung siya ang makakasama ko kaso lang talaga. . .
Nakahalukipkip na pagkasulasok ang dumating sa mukha ni Colette na naka-side eye pang pinapanood si Steven na tumakbo, "May something diyan kay Steven."
"True," maikli kong komento.
"Kung makapagsalita parang may secret feelings sayo. In fairness, bagay naman din kayo, wala namang masama kung pagbibigyan mo 'yan."
"'Yan?! Pagbibigyan ko?! Parang ang hirap naman ata isipin niyan. Kahit delulu ako minsan 'te, hindi ko pa din maimagine na makasama siya."
"Masyado ka naman sa kaniya. Mabait naman 'yan, ano pa bang hinahanap mo sa lalaki? Bukod sa gwapo si Steven, matangkad, may lahi, aba! Loyal pa! Ayan na ang hinahanap mong green flag!"
I scoffed in disgust, "Eh kung gwapong-gwapo ka sa kaniya ba't hindi ikaw jumowa sa kaniya. Ikaw nakaisip e." I gave her a nasty look afterwards.
. . . .
Pagkatapos ng huling klase ko ngayong araw, dumaan muna ako saglit sa faculty room para kausapin ang professor namin na si Prof. Jia. Nasa sulok sa likod ang desk niya.
Mula roon ay nakita ko nga siya, hindi niya pa ako napapansing nakadungaw mula sa pintuan dahil gahol ito masyado sa pagtitipa sa computer niya.
Sa tagal kong nakadungaw dito, si Prof. Robert pa ang unang nakapansin sa akin. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong tinawag para pumasok.