CHAPTER 29

19 6 0
                                    

[Chapter 29]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 29]





Brainwelyn

Ilang araw ang lumipas nang maganap ang birthday ko. Nag-inuman kami noon pero wala na akong ibang naalala pagkatapos. Nalasing daw kasi ako noon kahit hindi ko pa nakakasama ang mga kaibigan ko.

Ngayon kasama ko si Colette sa may cafeteria ng campus, kumakain habang nagkukwentuhan, sabay na rin ang pagsusulat ko ng notes.

"Gulat kami sayo, teh. Magpapakita ka bigla, lasing ka na," ani Colette.

Pakamot-kamot lang ako ng ulo, guilty e. I awkwardly laughed at her, "Okay lang 'yan, nakapag-enjoy naman kayo nina Claudia 'di ba?" Pag-iba ko ng topic.

Umiling lang siya at umirap, "Huwag ka nga! Hindi mo ba tatanungin kung anong nangyari sayo noong gabing 'yon?!" hiyaw niya habang nakabukas ang parehong palad niya.

Wala akong naalala. . . bukod sa pangalan ng isang lalaking parang nakilala ko na dati pa. Nyx Del Vaga ang pangalang paulit-ulit na sumisigaw sa tainga ko.

"Sinasabi mo? Naalala ko na ang lahat kaya hindi mo na kailangan ikwento ang nangyari." Umirap ako sa kaniya. Pero ang totoo ay iniiwasan ko lang na may makwento siyang nakakahiya.

"Ahh! Gano'n? Well gusto ko lang mag-comment 'no? Grabe 'yong laplapan niyo ni Charles, may padila-dila pa kayong ginawa. Ganyan ka pala ka-wild pag lasing."

Namilog agad ang mata ko, sa katunayan ay namilipit ang mga kamao ko habang pinapakinggan ko pa lang siyang mag-kwento.

"Ano?!" gulat kong sigaw habang pinangungudngod ang parehong kamay ko sa aking pisngi.

Totoo ba?! May nangyari bang ganoon?!

Shutakels, Brainwelyn. . . hindi ka naman wild ah? Ano ba 'yang kahihiyang ginawa mo na naman!

"Tignan mo, sabi na nagpapalusot ka lang e." Her fingers pointing at me as she gives me a nasty look.

Alright, I admit wala talaga akong naalala.

I sighed, still hesitant to face her and hear all the terrible truth behind my drunk acts that night.

"Oo na. Wala talaga ko naalala--at ayoko ding alalahanin. Please huwag mo na ipaalam," pakiusap ko kay Colette, ang mga kamay ko'y nagdadasal.

"So. . . saan ba dapat natin simulan?" Ang kulit niya naman. So persistent.

Pinangudngod ko ang mukha ko sa aking palad sa sobrang pagkadismaya, "Wala! Walang dapat simulan!" depensa ko.

Ngunit hindi pa din talaga siya tumitigil, "Ah!" An idea sparking through her head, "Doon tayo sa part na nagrereklamo si Charles sa buong biyahe dahil may nakainuman ka daw na ibang lalaki."

Patawa ang gaga.

Teka. . . . sa naalala ko wala naman akong nakainumang lalaki? At siya ba ang sumundo sa 'kin noong nalasing ako?

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon