CHAPTER 7

42 10 2
                                    

[Chapter 7]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 7]













Brainwelyn

Si Charles ba 'yon?

Papalapit pa lang kami sa may pick-up entrance, parang nahagip ko si Charles na papasok sa loob. Pero hindi ko lang sure kung siya nga.

Matangkad kasi ito, kasing tangkad ni Charles. Naka slicked back ang buhok, kasinghaba din ng buhok ni Charles ang lalaki. Parang siya nga dahil muntik ko nang mahagip ng tingin ang lalaki.

Hinawi ng lalaki ang kaniyang buhok sa likod, namulsa at umalis. Siya nga ata dahil mahilig talagang mamulsa ang taong iyon.

Naka-tricycle lang kami ngayon para sunduin si Colette. Si Tito Ikoy ang nag-drive para sa amin tutal siya ang may-ari nito.

Kanina pa nagpasundo si Colette pero ngayon lang kami nakarating, nagpa-gas pa kasi, eh nasakto na ang daming pila ng mga nagpapagas na kotse sa gas station.

"Dito ba talaga, Brainwelyn? Hindi ko naman makita ang kaibigan mo." Bigkas niya habang nagmamasid sa buong kapaligiran.

"Sure ako dito po. Baka nasa loob lang siya. Wait, chat ko," agad akong nagtipa sa cellphone ko para makontak siya.

Beshikels Kimmy: Colette? Asan ka?

Matagal bago ulit nag-reply si Colette.

"Tagal naman mag-reply nito." Reklamo ko.

Beshikels Kolet: Nandito na ba kayo?

Beshikels Kimmy: Oo ante

Beshikels Kolet: O cge cge wait lalabas nako

Nang tumingala ako ay nakita ko nga si Colette na hawak pa ang cellphone na lumabas.

Wow! I was astonished as I see her went through that entrance. She totally surprised me with her beauty! Si Colette talaga, if only she knew how pretty she is. Pero genuinely, kung sinabi ko nga sa kaniya iyan ay magpapaka-sarcastic lang siya.

Nakahawak pa siya sa mahaba niyang satin yellow bodycon gown. Sobrang ganda niya, para siyang modern day Belle ng Beauty and the Beast. Wish ko lang sa kaniya ay 'wag siya magkaroon ng beast na boyfriend nga, kawawa.

Kumaway siya sa amin sa oras na mahanap niya kami. Tumakbo siya papalapit sa amin pero hind ganoon kabilis ang takbo dahil mataas ang takong ng heels niya. Taray naman, girl.

Paglapit niya ay pinasadahan niya kami pareho ni tito Ikoy ng tingin kahit nahihingal pang nakadalo, "Tito, Brainwelyn, thank you po sa pagsundo sa 'kin. Late na po pero naistorbo ko pa po kayo." With an intertwined fingers, she expressed her sincere gratitude.

Nasingitan ang ngiti niya nang mapatingin kami sa paligid. Nakatingin ang karamihan sa mga tao sa amin at sa sakay namin.

Napansin din ito ni tito Ikoy at nakadama ng hiya. Sa mga tingin kasing iyon, para bang iniihaw kami ng makakating salita.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon