𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 30]
Brainwelyn
Ngayong gabi, napagdesisyunan namin ni Charles na maglakad pauwi.
Walking with him overwhelms me with so many different sensations. Bukod sa kilig, masaya rin akong sinamahan niya ako ngayon.
Kaya sa buong paglalakad namin, magkahawak-kamay ako sa likod, si Charles naman ay hindi umiimik na nakatulala lang sa iisang direksyon.
I want to start a conversation para naman hindi kami maging awkward sa paglalakad. Masyadong tahimik e.
"Charles?"
"Mhm?" lamang ang sinagot niya sa akin at parang wala pang interes ang tunog nito.
Nagtataka na talaga ako sa kaniya. Inaya niya lang ba ako para bantayan ko siya sa paglalakad? Parang hindi naman siya masayang kasama ako sa paglalakad.
"Eh-. . . . Bakit ginusto mo maglakad? 'Di ba usually kotse ang ginagamit mo? Saka sabi mo delikado maglakad sa gabi," tanong ko sa kaniya. Nasakto lang talaga na na-curious ako.
Kung inaya niya akong maglakad pauwi, then natural lang kung mag-expect ako ng sincere na sagot.
Baka nga sabihin niya pang gusto niya lang talaga ako makasama.
Yet all of my gorgeous expectations were shattered in a few words, "Walang gas ang kotse ko."
Really? Kung wala kang gas, sana nag-jeep ka na lang. Hindi 'yong aakayin mo ko dito.
Pero sa huli "Ahh. . . ." pa din ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi iyong mga reklamo na may point naman, kasi hindi ko siya matiis.
"Pero sabi mo dati, delikado maglakad ng gabi," paalala ko sa kaniya na may kaunting pangamba sa tono.
Nang ipaalala ko naman 'yon sa kaniya, tila kikilabutan ako sa kilig nang hawiin ako ng kamay niya papalapit sa kaniyang katawan. His grip squeezing me all over his company.
Halos mangamatis na ang buong mukha ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Mababaliw na ba ako? Habang tumatagal mas nagiging unpredictable talaga siyang tao.
"Ngayon, sa tingin mo delikado pa din?" aniya sa mala-hanging boses.
Well, hindi na, pero tayong dalawa, baka tayong dalawa ang maging delikado.
His act showered me with happiness knowing that he is willing to protect me no matter what.
Mabilis akong nag-iling ng ulo. Ang mukha'y hindi makausad sa pamumula ng mukha at hindi pag-imik.
"You're in safe arms," komento niya pa saka lumapat ang gwapong ngisi sa dulo ng labi niya.
SA UNA LANG TALAGA MAGALING. Dahil sa mga sumunod na sandali, bumalik na naman ang katahimikan sa aming dalawa. Iyon na ata ang pinaka-awkward na bagay na nangyari sa aming dalawa.