CHAPTER 22

16 6 0
                                    

[Chapter 22]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 22]











Charles

"Gusto kitang maka-partner."

Ilang linggo na akong nababahala sa sinabi ni Brainwelyn.

I just can't get rid of the question: "Why does she want me to be her partner?"

I wasn't able to give her a straight answer that time, patas lang na hindi ko din makuha ang kasagutan sa tanong ko ngayon.

But seriously, why me? Boss niya ako pero ngayon gusto niya akong maging partner niya sa event nila sa campus.

Claudia surely knows a lot more about this, she's the one handling the event.

As I pass through the street surrounded with extravagant buildings, may isang pamilyar na gusali ang agaw-atensyong pumukaw ng pansin ko.

Ang ospital na lagi kong pinapangarap na mapasukan.

Ngayon ko lang ulit ginamit ang daan na ito dahil may gawa ng kalsada sa isang kalye. Obviously, hindi ko maiiwasan ang ospital na ito kung ang daang ito ang tinahak ko.

Huminto ako pansamantala para pagmasdan ang mataas na gusali. Habang nakahinto ang tingin ko sa gusali, mabagal na bumabalik ang memorya ng mga panahong pinapantasya ko pa ang makapagtrabaho dito.

Masaklap lang dahil naramdaman ko na naman ang talim na tumusok sa puso ko sa oras na marinig ng sarili ko na 'hanggang pantasya lang ang lahat'.

Sa pakiramdam ko'y tila naglalaban ang dalawang parte ng puso ko. Ang isa'y hindi matanggap ang kinahinatnan, ang isa'y hindi makausad.

Pero isa lang ang pinagkapareho nila, na parehong nagagalit ang panig ng puso ko.

Pinamulsa ko ang kamay ko sa aking jacket, muling dinadalaw ng isip. Naalala ko lang iyong panaginip ko kay Lolo.

Iyon ang pangalawang panaginip na inabot ko sa kaniya. Habang dinadalaw kong muli ang mga pangyayari sa panaginip, everything began to make sense.

Until I finally got it. I finally understand the connection of these dreams.

It might be that. . . nagpaparamdam si Lolo after important courses of events happen.

Now that I understood it, na-realize ko din na, nagkakatugma nga sa mga pangyayari sa totoong buhay ang mga aral na mensaheng sinasabi sa 'kin ni Lolo. It's all meant to happen!

"Grandpa's making a point."

My breathing began to race, "Grandpa's making a point," inulit ko.

Unti-unting nangunot ang noo ko sa pag-iisip. Bawat realisasyong tumutusok sa pagkatao ko ngayon.

"Lolo, kung ano mang mensaheng gusto mo iparating. . . just know na naiintindihan ko na ang lahat. I now get what you want to say," bulong sa sarili.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon