[Chapter 23]
Brainwelyn
Himala, kalmado lang ang pakiramdam ko ngayon.
Kanina noong hindi pa 'ko nakaayos kinakabahan na 'ko. Pero ngayon, ni katiting na pangangatog wala man lang akong maramdaman.
Baka nga dahil sa panghihikayat sa 'kin ni Claudia.
Ang plano naman talaga ngayon ay magpapahatid ako gamit ang tricycle ni tito Ikoy, kaya lang ay nakaabang na ang mga kotse ni Claudia.
Hindi naman sa ayaw ko, pero nakaplano na kasi.
Wala naman nang magagawa! Nakaupo na ako dito.
Galingan na lang natin mamaya sa cotillion. Tanda ko pa naman ang mga steps.
Maya-maya nga lang ay nakarating na kami sa campus.
Gabi ang oras, kahit madilim ang gabi ay tinatakpan ito ng magagandang ilaw na pumapaligid sa campus.
Habang gahol ang lahat ng mga estudyante na nag-aayos ng sarili, ako naman itong papagitna sa entrance.
Agaw-atensyon na napatingin ang halos lahat nang unang pumarada ang kotse ni Claudia.
Lalo na noong lumabas na siya. Kasama ang bodyguard niya, inalalayan siya nito papasok sa loob.
Inintay niya muna ako bago siya tumuloy.
Sunod namang pumarada ang kotse ko. Pinagbuksan ako ng isa sa mga guard kaya mas madali akong nakalabas. Ang laki naman kasi ng gown na ito.
Sa oras na bumaba ako saka nagtinginan ang lahat. Ibang paraan ng tingin.
Everyone was shocked to see me. All of them were surprised on how beautiful I was. Questioning who I might be.
The mere sight of me left everyone utterly astonished, their disbelief palpable as they marveled at my striking beauty. Whispers filled the air as they questioned my identity, wondering who this stunning individual could be.
Okay. . . . ibang-iba 'to sa inaaasahan kong masusurpresa sila.
Nakadikit na ang tingin ko sa mga mata nilang nakatitig sa akin ng may paghanga.
Para akong sikat na artista dito kung makaabang sila.
Naririnig ko pa ang mga bulungan ng ilan.
"Artista ba 'yan? Ang ganda niya. . ."
"Baka model? Kaso ang liit naman. Pero tinalo ng mukha niya."
"Wait guys, she's with Claudia Antonette, baka sister niya?"
"They don't look alike. But she's pretty. Damn, I should dance her later."
"Same man, I wanna dance her too, and maybe get her number."
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Storie d'amore𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...