𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café.
Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
[Chapter 35]
Brainwelyn
Ito na nga ang chika!
Syempre nagpaalam ako ngayong araw kay Charles na hindi ako makakapasok dahil tutulungan ko ang bebe labs niyang si Claudia.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Me: Boss, hindi po ako makakapasok today.
Boss Charles: why?
Ang cold talaga nito mag-chat. Ewan ko ba kung dala na ng katandaan niya. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit wala pa ding auto caps ang cellphone niya.
Me: Need ako as assistant ni Claudia
Matagal bago siya nag-reply ulit kahit naman na-seen niya ang message ko. Pati pagta-type ang bagal din! Ano ba, nagkakape ka pa ba sa umaga?
Boss Charles: alright.
Boss Charles: hindi na din ako magbubukas ng cafe.
Me: Ah ok.
Me: Actually
Me: Bakit? May sakit ka? Alagaan na kita.
Boss Charles: no.
Me: Arte mo ikaw na nga aalagaan.
Boss Charles: brainwelyn, your punctuations can't help but bother me. please use comma.
Aba! Pati ba naman sa chat ang lakas ng trip? E 'di ikaw na matalino, lakas ng trip siya nga walang auto-caps sa cellphone. Typings ko na lang need pa perpekto.
Me: OKAY, ikaw nga tong walang auto caps. HAHAHAHA! di marunong mag-cellphone.
Matagal ulit bago siya nag-reply. Of course seen lang ako. Naaasar siguro.
Boss Charles: unlike you na hindi marunong mag-turn off ng auto caps sa cellphone settings.
Napataas ako ng parehong kilay sa sinabi ni Charles.