[Chapter 6]
Charles
"Let's call it a day." Everyone needs to rest. Pwede naman namin ipagpabukas na lang ang training. Siguro ay pagod lang din talaga si Brainwelyn kaya nawawala na ang awareness niya sa kapaligiran niya.
Iniwasan ko siya ng tingin. Pumunta ako sa staff room para magtanggal ng apron uniform ko.
"A day? Sir?" Pag-ulit niya.
Bumuntong-hininga ako, "You need to rest."
"Pero sir-"
"Magpahinga ka na, Brainweyn." Singit ko. Kinuha ko ang bag ko at nauna na sa kaniya. Sabi ko sa kaniya ay tapos na ang training pero hindi ibig sabihin ay hindi na siya ang magsasara ng cafe.
. . . .
Sumunod ang mga araw. Hindi nagbubukas ang Coffee Clock tuwing Sundays.
Pareho kaming nagpunta ni Yuji sa launch party ni Claudia. May magazine launch party kasi siya so isang panibagong achievement ito para sa kaniya.
Matapos nilang mag-photoshoot, sinunod nila ang party.
Lumagpas sa amin ang waiter pero hindi kami na-late sa pagkuha ng inaalok nitong white wine. Nang makakuha ay nagkalampagan kami ni Yuji ng baso.
"Bro, nasaan na ba si Claudia?" Bungad ni Yuji na gumagala ang tingin sa mga kababaihan sa harap. Kahit kailan talaga ay playboy ang siraulong ito.
"Atat na atat ka ata." Pagtatanong ko. Pagkatapos ay humigop ako ng wine.
Napangisi siya nang bumalik na sa akin ang tingin niya, "May speech pa siya 'di ba? Can't wait to approach the ladies out there." Tinuro ng kamay niya ang mga babaeng tinititigan niya. They were all models and up to his type.
Napailing ako sa dismaya, "Hopeless freak," bulong ko at muling uminom ng wine.
Ako naman ngayon ang gumagala ang paningin sa kapaligiran. Hinahanap si Claudia. Medyo matagal na rin at naiinip na ako. Just where is she?
Nakarinig na lang ako ng kung anong sipol. Nang makita ko ay si Yuji lang pala. May nakita na kasi siyang natitipuhang babae. Kakaiba talaga ang babaerong ito.
Tinignan ko ang gawi kung saan siya nakalingon, nakita ko ang nag-iisang babaeng nakaupo sa bar area.
Maikli ang buhok ng babae na hindi lalagpas sa gitna ng leeg at may curtain bangs pa ito. Maputi na akala mo ay nagre-rejuv.
Matangkad ito base sa nakikita kong haba ng binti niya, siguro ay nasa 5'8 ang tangkad, kasing tangkad lang ni Claudia. Tama si Yuji, maganda ang babae, papasok talaga sa standards niya.
Umo-order ito ng maiinom sa bartender.
"Iyan na ba?" Pangungumpirma ko kay Yuji.
He chuckled, "Oh boy. . . Siya na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko." He exaggerated at that part. Nagsisimula na siyang magpantasya sa pagtitig pa lang sa kaniya. Hindi magtatagal at lalapitan niya na din iyan.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...