CHAPTER 20

22 6 0
                                    

[Chapter 20]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 20]









Brainwelyn

Basang-sisiw.

Kung ide-describe ako in one word, karga na 'ko ng pagiging 'basang-sisiw' sa lagay ko ngayon.

Mag-isa akong umuwi dahil iniwan lang ako sa ere ni Charles. Walang sagot, walang pake.

Ganyan talaga mga lalaki, mahilig mang-iwan.

'Drama mo' sabi ng konsensiya ko.

Ako pa ngayon ang ma-drama? Oo nga. Imposible naman talaga makawala sa pagiging ma-drama ngayon dahil sa ginawa ni Charles.

Hindi siya pumayag na maging ka-partner ako dahil wala naman daw akong maibigay na matinong paliwanag sa kaniya. Pagkatapos no'n ay on the spot na niya akong iniwan.

Ang masaklap, ako pa mag-isa ang nagsara ng cafe. I knew it. Ako naman lagi.

Kaya ito ako ngayon, mas masahol pa sa isang basang-sisiw na walang tigil ang pagpatak ng luha mula sa mga mata.

Kahit ano namang dramang gawin ko, hindi ko matatago ang katotohanan na nagawa niyang durugin ang puso ko.

. . . .

Pagkatapos kong isarado ang cafe, nakita ko ang sarili kong napapadpad sa kalye, walang-ganang naglalakad mag-isa. Mga mata'y namamaga dahil kakatapos ko lang umiyak.

Iiyak na sana ako nang malapit na ako sa kalye ng bahay namin nang makasalubong ko na lamang bigla si Steven!

Sa oras na magkabunggo kami, lumapat ang nag-aalalang titig niya sa mga mata ko, agad niya kasing nahalata ang pamamaga ng mata ko.

"Brainwelyn! Hindi ko ine-expect na makakasalubong kita dito!" Bati niyang panimula na pakamot-kamot pa ng ulo.

Naiilang akong tumawa, nagbabakasakaling makakaagapay ako sa pagsosospetsa niya, pero hindi rin pala.

"A-ako din. . . Bakit ka nga pala nandito? Gabi na ah." Napansin ko kasi sa relo ko na 7:01 pm na pala.

"May gig lang ako sa may restobar dito," maangas niyang sagot. Kaya naman pala may bitbit siyang gitara sa kanang kamay niya.

Dati pa man talaga ay may talent na siya sa musika. Noong elem kami, siya ang madalas na pinanlalaban dahil maganda a ng boses niya.

Though, hindi niya lang pinagpatuloy ang passion niya roon, nag-proceed siya sa mechanical engineering.

"Ahh! Kaya pala may dala kang gitara ka, 'kala ko kasi may hinaharana ka sa gabi." Biro ko.

Agad nagsalit ang tingin niya mula sa kaniyang gitara sa akin. Nagsalit iyon ng paulit-ulit hanggang sa maintindihan na niya kung anong gagawin niya.

A grin sparked through his handsome face, "Kanina wala pa 'kong hinaharana, ngayon mayro'n na."

Sa isang iglap ay namilog ng kusa ang mga mata ko nang marinig ang pasimpleng pickupline ni Steven. Kanina wala, ngayon may'ron na? Pasimple pala talaga siya.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon