CHAPTER 18

23 6 0
                                    

[Chapter 18]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Chapter 18]















Brainwelyn

Dumating rin ang oras. . . na masosolo ko na siya. Sa wakas. Thank you lord.

Pero literally, kami na lang ni Charles ang natira dito sa loob ng cafe. Nauna na kasing umuwi si Yuji, at si Chrys na makakasama ata ni Claudia.

Nakasunod noon ang mata ko kay Claudia nang makita ko siyang hinatid ni Chrys. At hindi lang iyon! Hinalikan pa siya sa pisngi ni Chrys. I really couldn't believe my eyes that time--but later did I realize that Chrys and Claudia actually looks good together. Pareho silang matured at may successful careers.

Nang lumingon ako pabalik kay Charles, nadatnan ko na lamang siyang nakatayo sa iisang lugar, hindi man lang gumagalaw o umiimik. His head was tilted downwards, and while the reason behind it remained a mystery to me, I couldn't shake the feeling that something was troubling him.

"Charles," bahagyang nanginig ang boses ko sa oras na tanungin ko siya.

It wasn't long enough nang tumingala siya ulit sa akin. Tila ba nasobrahan siya ng pagkagulat sa pagtawag ko. That way it made me even more worried.

"Y-yes?" sagot nito.

"Tayo na lang kasing dalawa dito. . . naisip ko--baka gusto mong samahan ako maglakad pauwi."

Nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha ni Charles, pero alam kong naiintindihan niya kung anong bagay ang inaalok ko sa kaniya. Sa mga sumunod na segundo ay hindi pa rin siya umimik.

Nakaramdam ako na baka ayaw niya lang. Tama, mukhang ayaw naman niya, hindi lang siya makahanap ng salitang magagamit para tumanggi sa 'kin. Sige na, go na. Kaya ko pala ng mag-isa.

Sa huli ay nakita ko ang sarili kong kumakamot na lang sa ulo sa dismaya, "P-pero. . . kung ayaw mo, okay lang naman. Baka pagod ka na din," I awkwardly smiled.

Kahit na ang totoong nadadama ko ay pagkadismaya, mas pinili kong itago ito sa sarili ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

Few steps way to the exit, muli kong narinig ang boses ni Charles na siyang nagpatigil sa 'kin sa paglalakad, "Sorry, I passed out."

Passed out? Anong ibig niyang sabihin? Dahil sa pagkalito, napadesisyunan kong lingunin siya. Nadatnan ko siyang hinihimas-himas ang likod ng leeg niya.

Seeing how he caressed the back of his neck gave me a mesmerizing feeling. Damn, he's so hot acting that way! If only he knew. . .

He cleared his throat bago siya magsulat, "What I mean is. . . gabi na, it's not safe to walk in the streets," nahihiya niyang banggit.

Pakamot-kamot pa mula sa likod ng leeg niya pataas sa ulo niya. Ni hindi niya nga magawang tignan ako ng deretso sa mata ko, sir naman--parang diring-diri ka naman sa 'kin niyan.

✓ | Sweet Vanilla KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon