[Chapter 16]
Brainwelyn
"Ayoko! Hindi ko gagawin 'yan. Mapapasama lang ako niyan sa huli."
Nagsitawanan lang sila sa isa't-isa. 'Di nagtagal at bumalik din ang matataray nilang tinginan.
"Girl, hindi ko hiningi ang opinyon mo. You're going to do it whether you like it or not," naninipat ng masamang titig si Primrose sa akin. Mas mataas pa sa pride ko ang mga kilay na nanungit sa 'kin.
Hindi nila ako tinigilan sa pamimilit na gawin ito. Bakit ba puro ako? Hindi lang naman ako ang kamiyembro nila na pwede nilang utusan, marami pa diyan na siguro ay mas willing na mapasama, kaysa naman sa akin.
"I'm sorry, Primrose, ayoko talaga. Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko sa mga posibilidad na masangkot ako sa gulo." Pagmamakaawa ko sa kaniya.
Ano mang pagmamakaawa ang gawin ko, hindi pa rin sila umaawat sa pamimilit.
Humalukipkip si Primrose. Ang mga babaeng kasama niya ay gumaya rin sa kaniya. As the tension increases, the deeper her brows had gone in her face. Naglaho ng kusa ang nanamantalang ngisi sa mukha niya at sa halip ay nabahiran ng nagtitimping ismid.
Primrose leaned her head to her friends, she seem to be whispering something to them. May binubulong siyang kung ano sa mga kaibigan niya habang nakatitig sa akin ng masama. Kung ano man ang pinag-uusapan nila, tiyak ako na nagsisimula na silang gumawa ng masama sa 'kin.
The silence broke in one phrase, "Now do," she said.
Agad kumilos ang dalawa at lumapit sa 'kin. Nagmarcha sila papalapit sa 'kin kasama ang mga mukhang nanliliit sa reaksyon ko.
Habang lumalapit sila sa 'kin ay lalong sumisikip at bumibigat ang mga nararamdaman ko.
Takot na takot ako sa kung anong gagawin nila sa 'kin, pero bakit hindi ko man lang magawang itanong kung anong binabalak nila? Marahil nga ay tuluyan na akong kinain ng takot ko sa sitwasyong ito.
Wala ni isang matinong saklolo na sumusubok lumabas sa bibig ko. Only the eyes of terror and the breathe of exhaustion.
Dumako sa likod ko si Nora para itali ang mga braso ko sa kaniyang kapit. Hindi ako makagalaw, hindi ako makaalis. For a girl like Nora, it might actually be impossible to escape her strong grip. Even if she's petite and girly, mayroon talaga siyang lakas na katumbas ng lakas ng lalaki kaya maaaring isang lalaki lang may kayang makapagsaklolo sa 'kin.
Sa wakas at nakaimik din ako ng saklolo, ngayon ay mas nilakasan ko pa ito nagbabakasakaling may makakarinig sa 'kin at tulungan ako, "Tulong! Tulungan niyo ko dito!" usad ko habang pilit na nagpupumiglas sa kapit ni Nora, "Ugh! Bitawan mo 'ko, Nora! Hindi ako sumali dito para harapin 'to!" Iyon na nga e, parang hindi man lang nahihirapan si Nora sa pagpupumiglas ko, ganoon na ata talaga ako kahina.
BINABASA MO ANG
✓ | Sweet Vanilla Kiss
Romance𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: After the death of Charles' grandfather, he is expected to take over his grandfather's forgotten café. Charles Sebastian Lafuente, a passionate man in pursuit of his dream career as a doctor. But all of his dreams shattered to build...